#3

124 2 0
                                    

"Bakit? Na napakaSakit"

By: Junniel Inocencio

Bakit kailangan may bumitaw? Bumitaw sa mga pangako nila sa isat isa.
Eh hindi ba mas maganda na manatili ka nalang kase mas kilala mo na siya.
Isa lang naman ibig sabihin kapag bumitaw na.
Walang paninindigan.
Kung kilala ka na talaga niya alam nya kung paano ayusin ang problema.
Problema na dapat parehas nyong nireresolba,hindi yung iiwan ka nya magisa.
Iniwan ka niya magisa,na para bang minsan sa buhay nya,hindi sya naging masaya kapiling ka.
Naging masaya na kayong dalawa,ang magkasama.
Bakit ba nila tayo ginaganto?
Kase ba nagpapakita tayo ng motibo na di naten sila kayang mawala?
Pero bakit nga ganito?
Ang dali sa kanilang iwan tayo.
Ang dali sa kaniyang kalimutan ang isang tulad ko.
Wala ba akong nagawang tama?
"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?"
Totoo palang matatanong mo yan sa sarili mo.
Na ano bang dahilan,bakit nila tayo iniiwan?
Bakit ba kailangan masaktan? Yan ang paulit ulit na naglalaro sa aking isipan.
Kung paano mo nakaya na ako ay saktan.
Saktan na para bang ang lahat ay wala lang.
Wala nalang ba talaga lahat ng ating pinagsamahan?
Para ganun mo kabilis akong malimutan.
Bakit? Bakit? Bakit?
Puro bakit?
Dahil sadyang ang pagiwan mo sa akin ay Napakasakit.

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon