"Ang matapang kong pag bitaw"
By: Achaia Guevarra
Bago muna ko bumitaw
Matagal tagal ko ding hinawakan ang salitang kaya kopa
Hindi porket bumitaw ako dina kita mahal
Mali ka
Oo nag kakamali ka
Ayoko lang pahabain ang relasyong
Matagal ng may lamat at
Malabo ng bumalik pa sa dati
Simula ng lumipat ka
Alam ko mahal moko
pero hindi
Hindi ako kasama sa priority mo
Kasama mo nako
Pero mas pinili mong lumayo
Ni hindi moko tinanong kung ayos lang bako
Pero matagal ko ng natanggp ang mga yan
Ang diko matanggap
Ang pag titig mong iba na
Dina sing lalim ng dati
Dina sing liwang ng buwan tuwing gabi
Ano bang problema?
Ako ba?
Ako ba? Nakayang bumiyahe araw araw makita kalang ?
Ako ba? Na kayang magpuyat ,maantay lang ang message mo
Ako ba? Na minsan lang magpasama pero dimo magawang samahan?
Ako ba? Na humihingi ng konting pansin pero wala?
Ako ba ? Na isang sorry mo lang ayos na?
Masisi mo bako ? Kung isang araw narealize ko
Baka iba kana
Baka ang minahal kong dating ikaw ay wala na
Baka kailangan na kitang pakawalan
Baka ang dating matibay masisira din pala
Baka ang dating maiinit, lalamig din pala
Baka hindi ako?, hindi nga siguro ako
Ang babaeng hahanap hanapin mo sa oras na wala
Ang babaeng sasamahan mo
Kapag nagiisa
Papasayahin mo kapag di masaya
Susuyuin mo kapag may problema
Sino banaman ako?
Dahil sayo ang baba ng tingin ko sa sarili ko
Dahil sayo natuto akong mag tiis ng ganito
Dahil sayo nagising ako sa katotohanang
Ang tunay na pag ibig ay isang alamat
Na kahit minsan hindi ko nahanap sa pag iibigan ng sarili kong mga magulang
Baka ang pag ibig na tunay sa may kapal ko lang talaga matatagpuan
Pero hanggang ngayon
Umaasa padin ako na bumalik sa dati
Kahit malabo na
Yung sabay tayong kakain ng tanghalian
Yung nag iinuman tayo kahit tayong dalawa lang
Yung ihahatid mopa ko bago ka umuwi
Yung idadampi mo pa ang iyong labi sa mga labi ko
Pero wala na,diko na maibabalik
Baka hindi talaga tayo
Baka wlang tadhana sa pagitan natin
Masakit pala yung salitang "pinag tagpo" pero di " tinadhana"
Itong desisyon ko ang pinaka matapang kong ginawa
Yun ang palayain ka
Kahit diko talaga kaya
Pasensya kana
Kung ayoko lang masaktan pa
At ayoko ng masaktan pa ang tayo
At sa huli
Sasambitin kong muli
Ang salitang mahal kita at sana maunawaan mo na
Ang aking matapang na pag bitaw
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"