#4

105 2 0
                                        

"Hanggang kailan kita mamahalin?"

By Junniel Inocencio

Hanggang kailan?
Hanggang kailan magpapabalik yung sakit?
Hanggang kailan ako paulit ulit na sasaksakin?
Hanggang kailan paulit ulit na dudurugin ang puso ko?
Oo puso ko! Puso ko na inalay ko sayo.
Puso ko na pati buhay at kaluluwa ko binigay ko sayo.
Binigay? Binigay ko lahat sayo pero ano?
Anong ginanti mo sa lahat ng sakripisyo ko para magtagal tayo?
Tayo? Meron pa ba non? Sorry wala na nga pala kase iniwan mo akong magisa.
Iniwan mo ako ng basta basta na parang basura.
Ay teka? Hindi pala. Kase isa akong panyo na pagkatapos mong gamitin hanggang sa hilumin yung sugat na meron ka, nung magaling na tinanggal mo at tinapon mona.
Oo tinapon! Tinapon mo yung anim na buwan nating pagsasama. Speaking of sama.
Sino na bang bago mo at lagi mong kasama? Sino bang bago na niloloko mo gamit yung matatamis mong salita? Sino nabang sinasabihan mo ng I love you kahit di ka naman sigurado? Pero ano nga bang pakielam ko? Eh basura nalang pala ako sayo. Basura na tinapon pagkatapos pakinabangan.
Kaya tanong ko lang? Hanggang kailan? Hanggang kailan mananatili yung lahat ng sakit? Yung sakit na iniwan mo kasama ng pagiwan mo!
Hanggang kailan?
Hanggang kailan kita mamahalin?
Sana mapagod nako.

[Hugot Spoken Poetry]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon