#19

37 2 0
                                    

"PARATING NA"

By: Danielle Manipis

Heto ngayon ako.
Gumagawa ng isang tula.
Tula na kung saan ay sana parating na,
Parating na yung araw na mayroong magmamahal sakin ng totoo,
Yung taong kayang maghintay ng tamang panahon, masambit lamang ang matamis kong "OO".
Yung taong sasakyan yung mga trip mo mapasaya ka lang.
Yung taong ituturing ka na para bang prinsesa,
Prinsesa na proprotektahan niya sa masasama.
Yung taong "FULL OF SURPRISES" sa monthsary o anniversary niyo pa.
Yung taong hindi ka susukuan sa oras na siya'y napapagod,
Napapagod sa mga hindi pagkakaintindihan ng isa't isa.
At kung sakaling parating na,
Parating na ang araw na hinihintay ko,
Ipangako mo sakin, ipangako mo sakin na kahit kailan ay hindi mo ko papaiyakin at iiwan, bagkus ay mas lalo mo pang ipaparamdam ang sobrang mong pagmamahal para sa akin.

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon