#8

64 2 0
                                    

"Umasa lang pala ako"

By: Mira Gonzales

Walang araw walang gabe na hindi kita kausap palage
Laging tanong kung "ok ka lang ba?" , "kamusta?", " kumain kana ba?" . Sobrang saya na feeling mo araw araw sumasabog ka sa saya....
Simbahan, eskwela, Monday hanngang sunday laging nagkikita.. At eto pa .. Sa sobrang sweet naten laging napapagkamalan na tayo na ..
Tanong nila "kayo na ba?" At ang laging sagot mo lang ay tanging tawa .. Hanggang sa ramdam ko na parang tayo na talaga .....
Lalong nagtatagal lalong napapalapit sa isat isa na para bang may glue at hindi mapaghiwalay tayong dalawa ..
Isang araw sobrang lambing mo at tinabihan mo pa ko.. Habang akoy tulog ikay nagkukwento sa mga tao .. Ang sabe mo " MAHAL KO TONG BABAENG NAKASANDAL SA BALIKAT KO AT NATUTULOG" Nung narinig ko ay napangiti ako hanggang sa nakampante ako dahil alam kong hindi lang biro ang mga sinabe mo...apat na oras nang nakapatong ang ulo ko sa balikat mo pero kahit ganun wala ka paring reklamo.. Hanggang dumating sa lugar na kailangang puntahan at nagsibabaan tayo.. Binuhat mo ang mga gamit na dala dala ko kase sabe mo mabigat ang mga ito.. At pagbaba ko sinabe mo na " lagi mokong kakausapin ha!" Hanggang sa napangiti ako at sinabing "Oo"  ..
Sa tuwing magkikita tayo laging nagkakamustahan..Pero nang lumipas ang ilang araw palang , ang ating kamustahan ay napunta nalang sa pustahan naming mag kakaibigan ... "Bhes pusta ko di kana kakausapin nyan"
Ilang araw pa ang lumipas pero parang wala lang sayo na nakakasalubong ako , sa daan pag magkakasalubong tayo lagi ka nalang lumiliko... At ang masakit pa dun may kasama kang ibang babae at sinsabi ng mga kaibigan mo na gusto mo pala yun. ..
Dumating ang araw ng uwian , ikaw ang aking katabe sa upuan .. Dadantay na sana ngunit bigla ka nalang nag lipat ng upuan ... Inisip ko na "Baka pagod ka lang" .. Hinintay kong makarating na tayo sa babaan para naman magkaroon pa ng konteng espasyo sa ating pagitan ...
Hanggang sa eto na nga at tayoy nasa babaan pinipilit kang makausap pero lagi kang naiwas ... Iniisip ko kung may nagawa ako pero ang tanging sabe ng isip ko WALA MIRA WALA..
Hanggang sa ilang linggo na at wala ka paring paramdam , magkasama na halos araw araw pero parang wala ka lang pakiramdam na akoy nasa iyong harapan .. At dumating sa araw na hindi ko na natiis at akoy sobra nang nainis sa iyong pag iwas na hindi ko alam ang pinag mulan ...
Akoy lumapit ng may dalang pusong kinakabahan, at katawang nanginginig pero kumalma ako at nagtanong sayo.. "Anong problema at bakit hindi mo ko kinakausap?" At ang sagot mo ay tangging "Pasensya" sa pasensyang iyon akoy kinabahan dahil tila meron pa itong ibang kahulugan.. Akoy nagtanong sa pangalawang pag kakataon at sinabe kong "BAKIT PASENSYA ANG IYONG SAGOT?"  Siya ay natahimik at walang imik pero para saakin iba ang iyong ipahihiwatig.. Kasama ang puso kong sobra ang pagpintig akoy nagtanong muli "Sumagot ka" at sa pagbuka palang ng kanyang bibig ang tanging aking narinig ay "LOKO LANG ANG LAHAT, AT HINDI TALAGA KITA MINAHAL" sa pagkakataong iyon akoy ngumiti na parang wala sa sarili at sa puntong iyon ang tanging hiling ko ay bagsakan na ako ng kutsilyo upang tuluyang mawala dito sa kinatatayuan ko ... At ang huling lumabas sa kanyang bibig ay salitang "PASENSYA NA"  At habang akoy unti unting lumalabo ang mata dahil sa naiipong luha para saking mga mata 😭
At ang tanging naiisip ko nalang ay "ako lang pala ang umasa"

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon