"Pasensya na nagmamahal lang talaga"
By: Junniel Inocencio
"Mag aaway pero hindi maghihiwalay"
Yan ang pangako natin sa isat isa.
Pero ano na nga bang nang yari satin? Bakit ngayon tuluyan tayong nagkawalay? Minahal natin ang isat isa ng sobra sobra.
Sinabi natin na "Walang forever pero may Together"
Pero bakit ngayon wala kana sa aking tabi?
Ang bilis ng lahat ng pangyayari.
Ano nga bang nang yari?
Kamusta kana? Ayos kalang ba?
Namimiss mo din kaya ako Gaya ng pagkamiss ko sayo?
Naaalala kita lagi sa lahat ng bagay.
Pero bakit parang hindi nako sanay
Na nanjan ka simula nung tayo ay nagkahiwalay
Aaminin kong naririto parin ang sakit na aking naramdaman noon
Pero masasabi ko din na napatawad na kita.
Kase hindi naman ako makakatiis na manatiling may sama ng loob na nararamdaman. "Bii" di nako sanay bigkasin yan.
At nalulungkot akong bakit ba tayo humantong sa hiwalayan.
Eto ako ngayon. Ayos na ulit ako .
Bumalik na ulit ako sa dating ako.
Masaya kahit nagiisa.
Napansin ko na talagang ako ay ayos na.
Nakakatawa at hindi ka na masyadong naaalala.
At ang mga alaala natin ay natatawanan kona.
Tila ito na yata yung kinatatakot ko.
Ang mawala na ng tuluyan ang pagmamahal ko sayo.
Hindi ko kaya, nahihirapan ako.
Hindi ko maimagine na iba na yung makakasama ko.
Kase sayo ko na pinangarap lahat.
Kaya Hopia man. At sabihin na umaasa. Pasensya na.
Iniwan mo kase akong nagiisa
Ng walang dahilan iniwan ng basta basta.
Kaya di ko alam kung ako ba ay mahal mo pa.
Pero nakikiusap ako.
Pwede ba tayo nalang ulit?
Pwede ba ikaw at ako ulit?
Kase hindi ko pala kaya maging masaya sa iba.
Kase ikaw naman talaga nagbigay sakin ng tunay na saya.
Natatakot ako na baka tuluyang mawala na talaga.
Mawala na talaga yung pagmamahal ko para sayo na dati ay sobra sobra. Kaya kung mababasa mo ito.
Sana mapagisip isip mo.
Tayo naman kase talaga ang para sa isat isa.
Bakit kapa maghahanap ng iba.
Eh alam mo naman na ako na talaga.
Aminin mo man o hindi.
Sakin kalang naging masaya ng sobra.
Hahayaan ba nating masayang lang lahat?
Masayang yung mga bagay na nagawa natin dahil sa pagmamahalan natin na nasaksihan ng lahat. Magiintay ako sayo,kahit mahirap.
Sana bago kita tuluyang malimutan.
Iyong mapagisipan.
Mapagisapan at hindi yung palihim kang nasasaktan.
Kilala kita.
Sa loob ng anim na buwan.
Nakasama kita sa lahat ng bagay.
Nagawa natin yung mga bagay na hindi mo nagawa kasama ang mga kaibigan mo. Kaya kung may tunay na nakakakilala sayo? Walang iba kung hindi ako. Kase kahit pagbalikbaliktarin ang mundo.
Akin ka at sayo ako.
Dahil nakatakda na talaga
Na Ikaw at ako.
Hindi lang ikaw hindi lang ako.
Kundi Tayo.
Kaya Ikaw!! Oo ikaw na pinakamamahal ko.
Miss na kita. Umuwe kana.
Iiyak mo na ulit sakin lahat.
Yayakapin kita ng mahigpit.
Kase alam ko madami nanamang pasakit sayo.
Simula nung nawala ako.
Kaya halika na! Umuwe kana.
Umuwe kana sa Teddy Bear mo
Sa teddy bear na yumayakap sayo sa mga panahong may bumabagabag sayo. Sabay nating labanan yan.
Di ka nagiisa kase alam mo nandito lang ako simula umpisa.
Kaya sana tama na ang pagtitiis.
Kahit sobra mo na akong miss.
Uwe kana. Mamahalin pa kita.Ako ito. Yung taong nagmamahal at patuloy na umaasa. Pasensya na. Nagmamahal lang talaga.

BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"