"Naaalala mo paba?"
by Junniel Inocencio
Naaalala mo paba? Nung unang beses tayong nagkita
Nung unang beses na tayo ay nagkakahiyaan pa
Nung unang beses na nakatabi kita
Nung unang beses na naramdaman natin ang kaba
Ako? Naaalala ko pa,at hindi ko matanggap na wala na
Tila naritito parin sa aking isipan,ang tamis ng ating pagmamahalan, na akala ko'y walang hangganan Naaalala ko yung unang beses na kumain tayo ng sabay
Nung unang beses naglakad tayo na magkahawak ang kamay
Doon ko nalaman na ang saya palang mabuhay
Basta sa piling ko huwag na huwag kang mawawalay
Naaalala mo paba? Yung kahon na puno ng ating larawan
Kung saan makikita ang ating pagmamahalan
Naaalala mo paba nung magkasama tayo sa imus plaza
Nung nasa likod kita,yakap mo ako at ang mga sandaling iyon ay ayoko ng matapos pa Naaalala ko yung Unang beses tayong nagaway
Nagkabati at nangakong magaaway pero hindi maghihiwalay
Doon ko unang nakita ang lungkot na meron ka
Sabi mo ayaw mo akong mawala kaya inayos ko agad dahil mahal na mahal kita Naaalala mo paba nung natulog tayong magkasama
Nung inantay ko ng saktong alas dose ang kaarawan mo at sinorpresa kita Na kahit pupungay pungay ang iyong mga mata,alam ko ng mga sandaling yon ay napasaya kita Naaalala ko pa nung nasa mall,nagdate tayong dalawa
Yung araw na yon na sobrang saya at ayoko ng matapos pa
Doon natin binili yung bear na hanggang ngayon nasa akin pa
Yung bear na niyayakap ko tuwing naaalala kita
Yung bear na nanjan na iniisip ko kasama kita
Habang umiiyak nagmumukmok na parang wala ng bukas kase wala kana Binigay ko ang lahat lahat ko sayo
Nangako tayo na akin kalang at sayo lang ako
Hindi ko matanggap na wala na tayo
Hindi ko talaga matanggap, na lahat mawawala sa isang iglap
Hindi ko matanggap na yung dating "Ikaw at ako" ngayon "Ako nalang" Maraming gabi na umiiyak ako nagmamakaawa sa Diyos na sana bumalik ka Nagmamakaawa na sana lahat maulit pa
Sana maulit muli yung araw na sa akin kapa
Pero ito lang yung tanong ko sayo
Ako ba ay mahal mo pa??
Kung hindi na,wala na akong magagawa pa
Siguro talagang hindi tayo para sa isat isa
Pero kung Oo ako ay mahal mo pa
bumalik kalang tatanggapin kita
Kase alam mo to.. Mahal na mahal kita
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"
![[Hugot Spoken Poetry]](https://img.wattpad.com/cover/126812352-64-k141822.jpg)