#15

49 2 0
                                    

"BAKIT NGA BA?"

By Vernard Spencer Montaño

Bakit nga ba Mahal parin kita?
Bakit nga ba patuloy parin akong umaasa?
Bakit nga ba hindi pako tumitigil?
Bakit nga ba tayo pinagtagpo?
Bakit nga ba kailangan pa nating maghiwalay?
Bakit nga ba ikaw at ikaw parin kahit na alam kong wala na talaga?
Mga tanong na gustong magkaroon ng kasagutan.
Mga tanong na hindi mawala wala sa isipan.
Mga tanong na hindi malaman kung saan kukuha ng kasagutan.
Mga tanong na patuloy gumugulo sa isipan.
Bakit nga ba ganito?
Hanggang dito na lang ba talaga tayo?
Hanggang alalaa nalang ba ang lahat?
Napakagulo.
Napakagulo ng aking isipan. Hindi malaman kung ano ba talaga ang dapat gawin.
Hindi na ba dapat ako patuloy pang umasa?
Umasang babalik ka pa.
Umasang mayayakap kang muli.
Umasang makakasama kang muli.
Umasang itutuloy ang naputol nating kwento.
Ititigil ko na ba 'tong kahibangan ko na babalik ka pa?
Napakasakit pero siguro nga dapat nakong tumigil.
Tumigil sa pag-asang ako'y muli mong mamahalin. Tumigil sa pag-asang ako'y muli mong mapapasaya. Tumigil sa pag-asang matutuloy pa ang kwento kasama ka.
Dapat ko ng ngang itigil.
Itigil na dahil alam kong hindi ka na saakin masaya at sasaya pa.
Itigil na dahil alam kong hindi na ako ang gusto mong makasama hanggang pagtanda.
Itigil na dahil hindi na ako yung taong makakapagpasaya sayo.
Tumigil na.
Nakakapagod pala
Nakakapagod magisip ng kung ano ano.
Nakakapagod umiyak. At
Nakakapagod umasa.
Kung magkakaroon ka man ng bagong mamahalin,
Sana hindi siya maging tulad ko.
Tulad ko na walang ibang ginawa kundi saktan ka.
Tulad ko na walang ibang ginawa kundi paiyakin ka.
Pero sana, siya'y tulad ko na minahal ka ng buong puso at higit pa sa sarili.
Hindi man naging perpekto ang relasyon natin,
Hindi man ito naging madali dahil sa mga pagsubok na dumating,
Atleast naging matatag ka.
Naging matapang ka. Para lang hindi tayo maghiwalay.
Salamat
Salamat sa lahat ng ginawa mo para saakin.
Salamat sa lahat ng pagtitiis na ginawa mo.
Salamat sa pagiintindi mo.
Salamat sa oras na binibigay mo. At
Salamat sa sobra sobrang pagmamahal na binigay mo.
Salamat!
Hanggang dito na nga lang ata talaga tayo,
Sawa na sa paulit ulit na away at tampuhan.
Sawa na sa paulit ulit na sakit.
Sawa na at pagod na.

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon