Iniwang kasintahan,para sa sinasabing mga "kaibigan"
By: Junniel Inocencio
Kaibigan.
Batid ko nga na ito ay ating kailangan.
Dahil sila ang ating kailangan na pwede tayong damayan.
Pero paano kung ang kaibigan mo ay hindi naman.
Hindi ka naman kilala, kapag wala silang kailangan.
Nagkamali kang iwanan ang iyong kasintahan,para sa iyong sinasabing "Kaibigan"
Parang gamit na pag tapos gamitin ay iiwan nalang.
Bagay na pag wala ng kwenta ay itatapon nalang.
Parang yung relasyon lang natin yan.
Na pagkatapos ng lahat akoy iyong iniwan nalang.
Na sayo ay wala nang kwenta kaya itinapon mo nalang.
"Mahal na mahal kita at pinapangako ko na hindi kita iiwan"
Mga katagang paulit ulit
Paulit ulit yang mga katagang lagi mong sinasambit.
Yan yung pangakong ang hirap kalimutan.
Na para sayo normal nalang.
Normal nalang na lumabas sayong bibig.
Wala naman akong magagawa kundi ang pakawalan ka.
Kesa naman pagpilitan di ba?
Wala eh isa lang akong kasintahan.
Isang tunay at tapat na kasintahan.
Akala mo pag may pagkakaibigan,pag may kaibigan,sasaya ang iyong buhay.
Akala mo pag may kaibigan ay matuturing mong kaibigan hanggang ika'y mamatay.
Akala mo lang pala?
Akala mo lang.
Ako? Nung nasa iyo ako.
Alam mo sa sarili mo na sumaya ang iyong buhay.
Ako? Nung nasa iyo ako,ang buhay ko handa kong iaalay hanggang sa ako'y mamatay.
Araw araw mo silang nakikita.
Buong araw mo silang kasama.
Gabi gabi kausap mo sila
Sila na mga "kaibigan" mo
Ano pa ba talaga ako sa inyo?
O kung may halaga paba ako?
Yan ang mga tanong mo
na hindi masagot sagot ng mga kaibigan mo. Pero eto ang sagot ko sayo.
Ano ka ba para sakin?
Ikaw lang naman ang minahal ko ng sobra,kahit nagmumukhang tanga.
Kung may halaga ka paba?
Kailan kaba sakin nawalan ng halaga? Alam mo yan di ba?
Pero tinanong ko din yang mga yan sayo,nung mga panahong ramdam kong akoy iiwan mo.
Ano paba ako para sayo?
O may halaga paba ako sayo?
Mga tanong na hindi mo nasagot.
Mga pangako napapako
Dahil sa mga pinag gagawa mo
Mga pangarap na pinangarap natin na nawala, na parang bula.
Bakit mo ako iniwan?
Isang katanungan na parang isang patalim.
Na sumasaksak sa aking puso.
Na walang tigil hanggang ang pintig ng aking puso ay huminto.
Mga panahong kailangang kailangan mo ako.
Nasaan ba ako? Nasa tabi mo dumaramay sa mga hinanakit mo.
Pero bakit nung ako na ang may kailangan ay basta mo akong binitawan, basta basta iniwan.
Kaibigan? Talaga bang sila ang yong kailangan?
O kilala ka nila kapag may kailangan?
Nasa sayo ang kasagutan.
Dahil iniwan mo ang iyong kasintahan para sa sinasabi mong mga "kaibigan"
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poesie[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"
![[Hugot Spoken Poetry]](https://img.wattpad.com/cover/126812352-64-k141822.jpg)