#20

46 2 0
                                    

"Pagpaparaya"

By: Ella

Mahal kita,
Oo mahal kita,
Mahal kita hindi dahil sa gwapo o mayaman ka,
Alam mo kung bakit?,
Mahal kita sa kung ano ka.

Matagal ko ng gustong sabihin laman ng aking damdamin,
Mahal kita pero diko na kaya,
Di ko na kayang makita ka na habang ako ang kasama,
Isip mo'y nakatuon pa rin sa kanya,

Masakit,
Oo masakit,
Hindi ko alam kung bakit,
Pero isa lang ang masasabi ko,
Ayoko na,
Tapos na tayo,

Kaso teka lang,
Meron nga bang tayo?
Meron nga bang matatawag na ikaw at ako?,
Malamang alam kona ang sagot,

Wala,
Walang ikaw at ako,
Dahil nasa kanya na ang puso mo.

Isa lang ang aking maipapangako,
Ako na ang lalayo,
Maging masaya ka sana sa kanya,
At makamtan nyo sana ang kinakamit nyong ligaya.

Sinulat ko ang tulang ito hindi dahil sa ako'y nagpapaka makata,
Sinulat ko ito para iparating sayo na,
Wala ka nang aalalahanin pa dahil ako na,
Ako na ang gagawa ng paraan para mapalapit ka sa kanya.

Salamat at patawad,
Yan ang aking huling iiwanang kataga,
Mahal kita,
Totoo yon,
Pero may hangganan din ang pagmamahal,
At matatapos na ito ngayon,

Mahal paalam na,
Ingatan mo sya,
Magpakasaya ka.

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon