"wag ka mangako kung ito rin ay mapapako"...
by: Joshua Unday
Mahal...Mahal...Mahal...!!
Mahal, Mahal yan ang salitang una nating sinabi sa isat isa.
Mahal na tila parang sa ating dalawa,
Ngunit bigla ding nawala...
Naalala ko nung sinabi mo sa akin na tayong dalawa lang , tayong dalawa lang at wala ng iba...
Naalala ko ang mga pangako mo, pangako mo na tila'y totoo ngunit isang panloloko..
Mahal, mahal parin kita hangang ngayon.
Ngunit jan sa puso mo ay may iba ng nakabaon.
Ako'y umasa na sana tayo muling dalawa ..,
Ngunit sa piling mo ay meron ng iba.
Ang sakit lang isipin, mga halik mo sa akin nong tayoy magkasama,
at kahit saan man tayo magpunta anjan ka para ipadama sa akin na mahal mo ako talaga
pero sa huli iiwan mo lng pala
para maging tanga...
Naalala mo pa ba ang mga panahong tayo'y magkasama habang ipinagdidiwang ang araw ng ating pagmamahalan?.
Na tayong dalawa ay nagpangakuan na di tayo magiiwanan..Na kahit.! ,
kahit anong mangyari ikaw at ako lang!..
Naalala mo pa ba ang mga panahong kay tamis ng ating pagmamahalan, lambingan, harutan, asaran, pitikan,halikan, yakapan, at iba pang salitang may -an..pero sa huli ay mauuwi din palang luhaan, lukuhan, iwanan n nagdulot sa aking tangang pusong ngayo'y sugatan..
Naalala mo pa ba ang halik ng pagmamahalan na tilay 'sing tatag ng ating samahan?.
Siguro hindi!!!... Kasi ang matamis na halik sa ating mga labi , ay nagdulot upang akoy iwan at maging sawi.
Mahal asan na ang pangako na magtatagal tayo?
Asan na ang pangakong binitawan mo kahit anong magyari ipaglalaban mo ang pagibig na meron tayo.
Asan na ang pangakong iyong binitawan na walang iwanan.
Asan na ang pangako mong ikaw at ako lang ang magmamahalan???
Mahal asan na!!!.
Mahal ang sarap lng pakinggan ang mga katagang iyong binitawan.
Pero masakit ng aking malaman
na itoy iyong kinalimutan.
Dahil ang pangako mong parang makatotohanan ay isa palang kasinungalingan!!!...
At akoy isang hanggal para mapaniwala sa iyong mga tinuran, na ako at ikaw lng pang habambuhay .
Kaya mahal ang pangakong iyong iniwan ay nagdulot sa akin ng kamatayan..kamatayn na sa puso ko na akoy iniwan magisa sugatan at luhaan..
Kaya
"wag mangako kung ito rin ay mapapako"
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poesia[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"
![[Hugot Spoken Poetry]](https://img.wattpad.com/cover/126812352-64-k141822.jpg)