Walang Titulo
By: EJ Ramos
Masakit balikan ang mga pangyayaring isang memorya na lamang,
Mga pangakong binitawan at pinaniwalaan,
Ngunit sa huli'y inawan lamang akong sugatan,
Nagmahal ng lubusan katumbas sakit na walang katapusan,
Sabihin mang kaya ko to, ako'y lalaban ngunit sa bawat paghinga tila sakit ay kakambal,
Mga salitang pinakawalan sa iyong mga labi, mahalaga ka!
Ako naman tong si tanga!, akala'y katumbas nito'y "Mahal kita",
Ngunit Putang ina, nakalimutan ang kasabihang maraming namamatay sa AKALA,
Na nang panahon na ginising ako ng katotohanan na ang mahalaga ka ay tila biro lang pala,
Na ako'y paulit ulit pinatay ng AKALA na ang simpleng mahalaga ka ay mag tatapos sa mahal kita,
Simple lang naman ang hiling ko,
Makilala ang prinsipeng kukumpleto ng aking pagkatao,
Ngunit tama nga ang mga naririnig ko, walang ganun, Gago!
Ilang taon, buwan, araw,
Marami naring nakakuha ng atensyon ko,Ngunit tila'y di nila mapantayan ang sakit na dinulot mo,
Ganun ba talaga kapag minahal ng todo?
Kasi tangina minahal mona sinaktan kapa ng husto!
Teka teka, di nga pala siya yung dapat sisihin,
Dahil sa una palang ikaw lang yung umaasang pwede ka nyang mahalin,
Umaasang sana ikaw nalang siya, yung siya na mahal niya,
Yung siya na di man lagi niya kausap, kasama, ngunit laging bukas ng mga bibig, tenga, at puso,
Puso, ha ha ha, puso!
Puso mong kaylan may hindi mapapasakin,
Puso mong tila'y walang humpay kung siya'y tawagin,
Puso kong tatanga tanga dahil nagmahal ng taong alam ng may mahal narin,
Sa mga oras na binabasa mo 'to, siguro lubos kang naiyak??
Nakakatuwa naman kasi dumating ka, akala ko talaga wala nakong halaga..
Tangina!
Wag kangang umiyak, ampangit mo pota! Hahaha..
Ha ha ha .. mga huling tawa na maririnig o mababasa mo mula sakin..
Nabasa mo naman siguro sa umpisa..
Oo minahal kitaaaa...At di ako mag sisisi na minahal kita..
Kahit sa huling tibok nitong puso ko..Wala akong pagsisising minahal kita..
Hahaha
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"