#21

38 2 0
                                    

"Walang titulo"

By: Ella

Narinig mo ba ang tunog ng gitarang aking hawak?
Malamang oo dahil ikaw ay aking kaharap,
Sa bawat tinig na aking sinasambit,
Pangalan mo ang bukambibig,

Sa bawat musikang aking naisulat,
Ikaw at ako ang nakatala,
Pagmamahalang hindi masusukat nino man,
Pagmamahalang hindi mabubuwag kahit kailan,

Parehong nangako na walang susuko,
Pero bakit ganito?
Ano ang nangyari?
Mahal bakit iniwan mo ako?

Wala bang halaga ang ating pagsasama?
O wala ka lang pakialam saking nadarama?
Magkasama tayo noon pero mag isa nalang ako ngayon,

Nakatulala sa alapaap iniisip na sana kasama kita ngayon,
Iniisip na sana maibalik ang panahon,
Panahon noong wala pang ikaw at ako,
Panahong wala ka pang titulo sa buhay ko.

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon