Ang Unang Pag-ibig
By:Junniel Inocencio
Unang pagkakataon,na ngumiti sya sayo.
Unang pagkakataon, na niyaya ka niya kumain sa labas.
Ito ang unang beses na,may naramdaman kang kakaiba sa kanya.
At nakakataba ng puso,ang maliliit na bagay na ginagawa nya.
Ito ang unang beses na nakampante ka,dahil kapag kasama mo siya pakiramdam mo safe ka. Ito ang unang beses na may nagparamdam sayo,na ikaw ang pinaka importante sa mundo. Napakasarap sa pakiramdam.
Ito ang unang beses na mas gusto mong higit na bigyan ng pansin ang kaligayahan nya, dahil kaligayahan mo ang kaligayahan nya.
At ito ang pagkakataon na baka...
Baka lang naman..
Pwedeng kayo na ang magkasama habang buhay.
Pero ang oras ay lumilipas...
Ang lahat ng "Una"
Magkaka pangalawa,
pangatlo at hanggang sa hindi na mabilang.
At ang lahat ng magagandang bagay na ginagawa nyo,ay normal nalang na parang wala nalang. At unti unti...
Bigla mong mapapagtanto.
Sa unang pagkakataon napagtanto mo.
Ang kaligayahan pala ay hindi natagpuan.
Naipon lang..
Unang beses na napagtanto mo.
Na ang taong kaya kang pasayahin ng sobra, ay kaya karin pa lang saktan ng sobra sobra. Ito ang unang beses na pinagkatiwala mo sa kanyang hawakan ang pana at palaso. At hindi mo inaasahan sa iyo nya pala gagamitin ito.
Na nagpalayo ng loob nyo sa isat-isa.
Masyado mo siyang pinagkatiwalaan,
Kase akala mo hindi nya bibitawan.
Ito ang unang pagkakataon.
Nalaman mo ang pakiramdam kapag wala na talaga.
Unang pagkakataon na wala kanang magawa.
Na para bang may inaabot kang isang bagay,
ngunit dumudulas lang sa iyong mga kamay.
Unang beses na napagtanto mo.
Na kahit parehas nyo gusto ibalik yung dati,hindi rin uubra bandang huli. At kapag ang pag-ibig ay tuluyan ng nawala....
Mapapaisip ka kung ano ba talaga ito.
Kung ang lahat ng ito ay totoo.
Pero ito...
"Ang unang pag-ibig mo"
Hindi ang huli...
Sa mga nangyari.
Natutunan mong tumawa at umiyak.
Kumapit at Magpalaya.
At kapag nagmahal ka nang muli...
Baka...
Baka mas maging ayos ka.
At baka malay mo..
Sa pagkakataong ito.
Yung relasyon na mayroon ka...
"Pang Habang Buhay na"
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"