"Tayo at mga Sana"
By: Aikie P. Bernardo
✨Ang tulang ito ay sisimulan ko sa salitang 'TAYO'.👫
Tayo na may ikaw at ako, tayo na may kasiyahang nadudulot sa mundo, tayo na minsang nagtatampo, tayo na madalas na naglalambing, tayo na walang alam kundi ang pangalagaan ang salitang TAYO. Pero may hangganan pa ba ito? May magwawakas pa ba sa isang salita at apat na letrang ito. May hahadlang pa ba? O di kaya'y may maninira pa?
Ngayon ay susundan ko naman ng mga 'SANA'.
sana wala ng hangganan to. sana hindi na magwakas, sana wala ng humadlang at sana wala ng manira pa.
Pero hinding hindi ko.. o sya.. o namen.. malalaban ang tadhana kapag ito na ang nagtakda.
Oo sa una mahirap pero pag nalagpasan mo ang hirap, na nagmula sa mga problema sunod naman nito ang sarap. Sarap na siyang magpapagaan sa loob mong nabigatan nung mga panahong sabay niyong pinaglalabanan ang kahirapan. kahirapan na itinakda ng kapalaran.
Kaya kung alam kong sasaya ako sayo. Mananatili akong iyo, Oo iyong iyo ako hanggang sa dumating ang oras na nasa simbahan tayo at mangangako sa panginoon na hanggang sa huling hininga ay may salitang TAYO 😍💗👫
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"