TANGA
By: David Gabriel Santiago
Una palang kitang nakita tangina ikaw na,
Sa iyong paglapit naaninag ang iyong mukha at ako’y natulala.
Tila’y bumagal ang nagdaang mga segundo,
Mabagal mong lakad sya namang bilis ng pintig ng aking puso,Lumipas ang mga araw akoy nahulog na ng sobra,
Sa munting pasulyap sulyap ako’y nakuntento na,
Sira kong araw kayang buuin ng iyong matamis na ngiti,
Iyong tinig na tila’y himig kaya tainga ko’y nakikiliti.Buwan na ang nagdaan pag-ibig ko’y di nagbago,
Parang niloloko ko na ang sarili ko,
Na magkakaroon ng TAYO yung ikaw lang at ako,
Pero ang reyalidad ay WALANG TAYO sa totoong mundo.Taon! Taon na ang binilang,
Mahal, sigurado akong ikaw lang,
Pinilit ko ang sarili kong ika’y kalimutan,
Pero sa huli ikaw parin ang binabalikan.Lumipas ang panahon ngayo’y nasa pangatlong taon,
Pgmamahal sayo lang itinuon,
Napagtanto ko rin na antagal ko palang naging tanga,
Na umaasang wagas kong pagmamahal ay iyong masusuklian.Maaari mo ba akong tulungan?
Gusto ko sana ikaw na ay makalimutan,
Iwasan, saktan at itaboy mo naman ako maaari ba?
Ay ‘wag na ginagawa mo na nga pala.
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"