''Sa Aking Pagbabalik''
By: blankvocal
Sa aking pagbabalik,
Matitikman ang hagupit,
Ang hagupit ng aking pusong puno ng galit,
Hindi mawawala sa puso't isip,
Kasalanang ginawa ng paulit-ulit,
Sa aking pagbabalik,
Ako'y maghihiganti,
Ako'y babawi at hindi na magpapa-api,
Sa kahit na sino man,
Ako'y lalaban,
Panandaliang lumisan,
Para maibsan,
Ang sakit na nadama,
Dahil sa'yong kagaguhan,
Ako'y niloko, pinaasa at ginago,
Pinag-mukhang tanga sa harap ng madaming tao,
Naging mababa ang tingin sa sarili ko,
Sinubukang kitilin sariling buhay ko,
Ngunit na-realize kong mali pala ako,
Kaya ako umalis ay para magbago,
Para ipakita sa lahat, lalong lalo na sayo,
Ang matapang at malakas na ako,
Natutong tumayo ng dahil sa ginawa mo,
At ngayo'y bumalik para maghiganti sayo.
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"
![[Hugot Spoken Poetry]](https://img.wattpad.com/cover/126812352-64-k141822.jpg)