"Nakagapos sa Pagibig,na akala ko'y hindi matatapos"
By : Jonathan Lloyd Olaes
Nasanay nalang din akong laging nasasaktan . Kaya eto , eto ako nakakandado sa takot. Takot na hindi maibsan sa bawat babaeng dumaraan hindi ko kayang bigyan ng pag mamahal na dapat , dapat kong pamahagian. Dahil sa takot , eto ngayon ang puso ko. Pilit humahakot , humahakot ng pagmamahal , pagmamahal na inipon ngunit hindi naman kaya ipadama sa taong akala mo totoo na , panaginip lang pala . Nabuhay akong halos hindi nasilayan ang tunay na salitang mahal kita , ang salitang bumulag sakin at don ko lang napagtanto na ang pag ibig hindi pinapakita , ipinadadama sa totoong taong siyang itinakda , dahil hindi lang naman ikaw ang magmamahal sa sarili mo, wag mo naman hayaan na ikaw lang ang mamuhay mag isa . Wag mo sabihing , Dahil sa takot naduduwag ka? At hahayaan mo yang kadenang nakagapos sa'yo na mangalawang hanggang sa mamatay ka? Wag kang mangmang , hindi porket naiwan ka e hahayaan mona? Dapat matuto kang bumangon , bumangon muli sa pagkakatisod sayo ng kapalaran , hayaan mong manuyo ang sugat na idinulot sayo ng kahapon gamutin mo ito ng mahinahon , dahil isang pagkakamali mo lang ang dating langib ay dudugo at magsusugat , hindi mo alam na kapag ipinilit mo ay hahantong ito sa peklat , na magmamarka sayo hanggang sa ikay tumanda. Huwag kang mag alala , dahil hindi ka nag iisa madami tayo na umasang mamahalin at magiging kabiyak ang isat isa , hindi lang naman ikaw ang naiwan ? Kundi isa , dalawa tatlo , ay nako basta marami tayo . Kaya kaibigan wag kang mag alala , dahil dadating din ang pag ibig at sa pag dating nito huwag kanang matakot muling Buksan ang pintuang nakasara. Dahil malay mo ito na yung pagkakataon na siya na pala talaga? Hindi kana masasaktan at mag mumukhang tanga ! Dahil ang nakalipas ay nakalipas na , huwag mo ng ikumpara dahil malayo ito sa totoo na , malayo ito sa nandiyan na . Imulat mo muli ang yong mata na nabulag sa maling panaginip na inakala mo ay realidad , bumangon ka sa pagkakatisod mo nung una , dahil malay mo yung sumunod siyang mag aangat pala , mag aangat sayo at sa puso mong nag hikahos at mistulang punong nakagapos sa salitang mahal kita na hindi naman pala.
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"
![[Hugot Spoken Poetry]](https://img.wattpad.com/cover/126812352-64-k141822.jpg)