"May ikaw at ako,mayroong TAYO"
By: Tine Anne Garcia
Balikan natin sa umpisa kung paano naging "Tayo."
Bakit ganon ang tadhana? Sadyang mapaglaro.
Hindi ko alam bakit mabilis nahulog ang damdamin ko sayo.
Hindi ko akalain na aabot sa Tayo ang dating hinahangaan ko lang.
Noong unang makita kita,akala ko ay wala lang.
Pero habang tumatagal hindi ko mapigilan aking nararamdaman.
Hanggang umabot na sa ikaw ay umamin na ikaw rin pala ay may pagtingin sa akin ako'y nagulat, hindi ko akalain na parehas pala tayo ng nararamdaman.
Alam kong sa una palang ay mali na,na nahulog ako sayo pero tanong ko lang masama bang magmahal?
Alam kong sa una palang ay pare parehas lang tayong masasaktan ngunit ipinagpatuloy parin natin ang maling pagmamahal.
Hanggang umabot na tayo sa pagmamahalang tayo na.
Alam kong ang daming nagulat,nagalit at nasaktan ng naging tayo pero hindi yun hadlang para sirain nila kung ano ang meron tayo ngayon.
Alam ko sa mata ng ibang tao ay mali pag naging tayo.
Pero kahit ano man ang sabihin nila,alam kong hindi naging mali ang mahalin kita.
Pagbawal ng mundo ang nararamdaman ko,kakalabanin ko ang lahat para lang sayo.
Ipagtatanggol kita sa mundong mapanakit,ililigtas kita.
At kahit baliktarin man ng paulit ang mundo,bahala na sila basta ikaw parin ang gusto ko.
Sa dinami rami ng tao sa mundo, bakit sayo pa ako nagkaganito.
Hindi ko ninais na mahalin ka,pero isang araw pagising ko mahal na kita.
Sa tuwing nakikita kita at nakakasama kita,damdamin koy di maipinta.
Lumabo na lahat kahit mata ko
Huwag lang lumabo yung tayo.
Salamat sa araw na lagi kang nanjan,naging kampante ako sa piling mo.
At nung una nating pagkikita hindi ko akalain,na magiging ganito ka kahalaga.
Nagseselos ako sa mga taong malapit sayo hindi dahil madamot ako,baka kase sumaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.
Ikaw yung lalaking pinagkakatiwalaan ko
Dahil alam kong ikaw yung lalaking hindi sasayangin ang tiwala ko.
At ikaw yung lalaking nagpapasaya sa araw ko.
Sa mga panahong nalulungkot at natatakot ako.
Hindi man ako mayaman para bilhin ang kahapon.
Pero handa akong utangin ang ngayon makasama lang kita buong maghapon.
Maaaring hindi ikaw ang unang minahal ko.
Pero gusto ko na ikaw na ang huling hahawak ng puso ko
Dahil sa mga oras na ito
Wala ng hihigit pa sayo.
Dahil alam kong may ikaw at ako.
Mayroong "Tayo"
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"