#25

22 1 0
                                    

Tanong

By: David Gabriel Santiago

Ano nga ba tayo?
Magkaibigan, magkaklase, o meron bang tayo,
Maaari mo ba ako bigyan ng kungkretong kasagutan,
Para na naman di na ako naasa pa sayo.

Hindi ko alam saan ba ako lulugar?
Dapat ko bang isiping may pag asang magkaroon ng ikaw at ako,
O doon ba sa kahit kailan di ka magiging akin,
Nang sagayon alam ko ang dapat kong ipakitungo sayo.

May gusto ka rin ba sa akin?
Kasi lagi mo kong sinasamahan kahit di ko alam kung naaaliw ka pa ba,
Lagi tayong magkausap kahit satingin koy wala na itong katuturan,
Yung mga pinararamdam mo kasi sakin tila ba mahalaga ako sayo.

Paano yung mga litrato na magkasama tayo?
Na para bang ansaya saya natin,
Yung tipong aakalain ng lahat tayo talaga,
Dapat ko na batong burahin o atin pang daragdagan.

Paano yung mahahaba at malalalim nating pag uusap?
Kung minsa'y umaabot pa ng madaling araw o walang tulugan,
Na tila ba pinararamdam mo sa akin na mahal mo ko,
Magiging ala ala na lang ba ito o mas hahaba at lalalim pa.

Ano palabas lang ba itong lahat?
Itigil mo na nasasaktan na ko,
Baka mas lumalim pa ang aking pagmamahal,
Hindi na ko makaka ahon pag sinabi mong wala lang ako sayo.

Baka naman mahal mo na ko?
Kaya dinadahan dahan mo lang kasi malaki respeto mo sa akin,
Na may mahalaga pa munang bagay na dapat nating unahin,
Ayos lang hihintayin kita basta dyan kalang wag mo kong iwanan.

Matagal kong inisip ang mga katanungang ito,
Inipon ko rin lahat ng lakas ng aking loob,
Pero noong itatanong ko na sana sayo,
Huli na ko matagal ka na palang may mahal na iba.

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon