Pasisko Almario Asker La Akadimiko Mandrid-Calye Eskimo La Iñigo Nuesto Estregal
By: -
Ngingiti sya, ngingiti ka.
Minsan wala namang dahilan pero
Ngumingiti na parang tanga.
Magbibiro sya, tatawa ka
Kahit hindi naman nakakatawa
Basta sa kanya nanggaling ay nakukuha ka nya.
Sa inyo ang daigdig ng bawat isa
Hihinto ang oras kapag nakatakda na.
Bibilis ang tibok ng puso
Katulad ng pakiramdam sa tuwing naabot mo na ng laso sa dulo ng karera.
Ngunit kahit ang pinakamatamis na prutas ay mabubulok
Papasok sa silid iiyak sa sulok
Dadating yung mga araw na pakiramdam mo ayaw mo nang sikatan ng araw.
Ayaw mo nang gumalaw at lumitaw sa kanyang paningin.
Ang dating hardin at mistulang naging bangin.
Ang pagibig ay kaya kang hindi na paniwalaing muli sa pagibig.
Mabubulag ka, didilim ang paningin
Ang puso mo ay mababalot ng dilim
Wala kang ibang hahangarin
Maliban sa ipaglaban ang iyong sariling nararamdaman.
Pareho na kayong lason sa bawat isa at
Pareho na kayong sugatan sa laban na dati nyong pinaglaban.
Marahil huli na
Tapos na ang pelikulang kayo ang bumida.
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"