#14

42 2 0
                                    

"PAG - IBIG"

By: Daniel Ludo

Pag-ibig,ang salitang ayaw ko ng marinig
Pag-ibig, na winasak ang aking puso,isip,at damdamin
Pag-ibig,na binigyan lamang ako ng pagkakataong umasa,magtiwala,at magpakatanga Pag-ibig,na binigyan ko ng malaking halaga
Na kung saan mapapasaya kita
Na kung saan hindi ka magsasawa
Na kung saan mabibigyan mo ng malaking halaga at pagtitiwala
Na kung saan hindi ka aasa
At na kung saan hindi kita iiwang mag-isa
Pero lahat ng yan hindi ko nagawa
Dahil may mahal ka palang iba
Ang sakit diba!!! frown emoticon
Akala ko ikaw na, hindi pa pala
Pero hindi ko pa rin kinaya na may mahal ka palang iba
Hindi ko kinaya lalo pa't hinding-hindi kita makukuha
At ngayon hanggang pangarap na lang kita
Pangarap na hindi ko maaabot kailanman
Pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat
Na hindi lang ikaw ang tao sa mundo
At natuto akong unahin ko munang mahalin ang sarili ko
bago ang iba dahil pagmamahal sa sarili ang makakatulong sakin para hindi ako masyadong masaktan Pagmamahal sa sarili na kung saan magiging masaya ang buhay ko
Na wala muna akong mararamdaman na kirot sa puso at damdamin ko "PAG-IBIG"!!! darating din yan hindi lang sa buhay ko kung hindi sa buhay rin ng ibang tao at maghintay lang tayo sa "TAMANG PANAHON

[Hugot Spoken Poetry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon