"Wag mo paasahin ang taong di mo kayang mahalin".
by: Joshua Unday
Sa araw-araw na pagpasok ko sa trabaho,
Di pwede wala akong ligo at pabango.
Ngunit sa araw-araw na pagpasok ko sa trabaho
Ay unting unti nahuhulog ang loob ko sayo.
Tila'y tadhana na ang nangloko na ang puso koy iyong iyo
Tilay mga bakas ng tinta sa damit koy di mawawala.
Yan ang pagibig mo sa akin na ako lang ang may alam
Dahil sa puso koy wariy iyong pinaramdam.Ang sarap balikan ng mga alaala ating pinagsamahan, mga alaala na di ko makakalimutan, mga alaalang minahal kta ng lubusan. Ngunit alaala ding dahilan upang mahalin ka ng lubusan pero di mo kayang suklian.
Akoy umasa na pwede na, tayo na, go na!!! Pero mali ako...mali ako ng akala!!
Na akala koy pwedeng maging tayo pero di pala... Dahil sa piling ko di ka liligaya.Isang araw, naalala ko ng sabihin mong " I LOVE YOU" . at akoy natuwa at di mapakali at tuluyang nahulog.
Nahulog dahil sa sinabing mong kataga,
Na naging dahilan para akoy umasa na posibleng maging tayo nga.
Naalala ko ang mga araw at gabi na tayoy magkasama, gabing tilay binalot ng lungkot at saya,. Subalit gabi, gabi din pala ang dahilan ng puso kong luhaan.Natutuwa akong makita kang masaya.
At mas natutuwa ako kung magkapiling tayong dalawa
At natutuwa ako ng makita sa iyong mga mata ang ang ligayang aking nagawa.
Pero natuwa ako ng maramdaman kung umiibig ka nga .
Umiibig sa taong di ko matingala,
Dahil alam kong kayo nga...Naiinis ako sa sarili ko kung bakit sayo pa.
Sayo pa eh meron namang iba.
Nasayang ang lahat ng inakala kung pwede nga .
Pero mas nasayang ang oras ko dhil akoy naging tanga.
Tanga na umasa na tayoy pwede nga.
Pero nasaktan ako nang sabihin mo ang katagang "alam mo namang di pwedeng maging tayo diba? Kaya sana maunawaan mo!!!" ,
Dahil lahat ng iginugol kong hirap at pagod ay nawala.
Nawala at tanging naiwan lang ang bakas ng pusong lumuluha.Lahat ng effort kong ginawa ay tila'y isang bulang nawala, dahil sa sakit na iyong pinadama ng malaman kung di mo pa pala dama.
Kaya sana wag mo akong paasahin kung di mo man lang ako kayang mahalin.
At wag mo akong gamitin sa mga gusto mong maangkin, kasi di na ako ang taong muli mong papaasahin at lolokohin.

BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"