"MINSAN LANG SA BUHAY"
By: Everly Jayag
Minsan lamang sa buhay mo na dumating ako . .
Minsan lamang sa buhay ko na ikaw ang minsa'y itinibok ng puso ko
Minsan lamang sa buhay ko na ikaw ang hinanap-hanap ng mga mata ko . .
Minsan lamang sa buhay ko na kumapit sayo kahit ramdam ko na ang sakit ng pag ibig mo . .
Sinaktan mo ang puso ko . .
Wari ko'y hindi na ako magiging masaya . .
Sa dami ng pagsubok na nagdaan mukang hindi mo kinaya . .
Ako nalang ba ang laging kakapit kahit pilit na bumibitaw kana ?.
Bumibitaw kana dahil mayroon kanang iba ? .,
Kay haba ng pasensya na akimg ibinigay .
Pagmamahal kong buong buo ang inialay .
Hindi ko kinaya nung tayo'y naghiwalay
Puso ko tila ay nagka gutay-gutay
Lagi kong sinasabi . .
Kung hahayaan mo ba na balang araw iba na ang aking katabi ?,
Hindi na ikaw ang sambit ng labi ?
Na iba na ang may hawak sa aking mga kamay ?.
At iba na ang sinasabihan na tayo'y panghabambuhay .
Marahil tama . . sa mundong ito'y walang permanente
Na para bang Jumper kaya humihina ang Kuryente . .
Pagmamahalan nating dalawa tila nagtapos . .
Iniwan akong luhaan sa ilalim ng ilaw na nagpupuyos .
Ngunit hindi nagtagal ay may pumawi ng sakit na nadarama . .
Yaong taong hindi inasan pa ang nagpadama .
Nahuli ang kiliti bakit ngingiti ang aking labi. .
Hindi ako pinaluluha , hindi pinahihikbi . .
Ngayong ako'y masaya na sa piling ng iba ika'y doon manghihinayang ?
Naghahabol ka't sabi mo'y pagsasama'y sinayang ?.
Hindi ikaw ang pag ibig na hinintay ko . .
Hindi rin ikaw ang taong dapat pinag aksayahan ko . .
Na dapat pala sana'y sa taong may hawak na ng kamay ko . .
Hinahabol moko't gusto akong ibalik sa piling mo ?.
Marahil ayoko na . .
Ang nakaraan natin . . binura ko na .
Ni hindi na kita kilala ?.
Panloloko at pananakit mo ay tapos na . .
Luha ko ay may pumunas na . .
Ngayon ay nasa piling nako ng taong nagpadama na hindi sa lahat ng Pighati . .
Wala nang darating na LIGAYA .
BINABASA MO ANG
[Hugot Spoken Poetry]
Poetry[HIGHEST RANK #194 in Poetry] "Para sa mga taong sawi, iniwan at bigo sa PAG-IBIG"