First Night: II

57 0 0
                                        


Expected ko dadaan kami sa pintong nasa likuran ng bahay

 o kaya aakyatin namin ang bintana at saka i de-destrongka.

Nagbiro si Lapis at pinihit ang door knob ng front door.

Si Lapis ang Monggol sa tropa ni Jigs 

sya yung tipo ng bigla na lang tumutulo ang laway.


Nagulat kaming lahat at mas nagulat si Lapis

ng nabuksan ang pinto.

"Ta** **a,magic" tinago na ulit ni Sabog

yung picklock

na dinudukot pa lang niya sa jansport nyang pula.

Nung una natuwa ako

subalit napalitan ng kung anong kaba.

Lumunok si Malik ng tumingin sa akin

tumango naman ako.

Nauna ng pumasok ang grupo ni Jigs at sumunod

na din kami.

Habang naglalakad kami sa sala

"may pinto bang iiwan lang ng nakabukas?" di ko mapigilan tanongin ang sarili.

"parang patibong" mahina kong bigkas.

Napalingon si Tano "baka nakalimutan lang .Diba matatanda na mga nakatira dito?"

may punto si Tano.Napapatingin si Malik at Mamuro

alam nilang di ako masyadong kumbinsido.


Umakyat kami sa ikalawang palapag ng antigong tahanan

Dahan dahan ang mga hakbang

 dahil mabilis magising ang mga mae-edad na.

Bawal magbukas ng ilaw kaya gumamit kami ng flash light.

Mahaba at makipot ang pasilyo

 kapag nagsabay ang dalawang tao hindi sila makakagalaw.

Puro pinto lang ang makikita sa pasilyo.

Unang pinto pa lang na ibinukas ni Jigs

Umalingasaw ang kung anong amoy.

Amoy medyas na binasa pero hindi napatuyo sa hangin kundi sa kulob.

Kahoy ang sahig ng kwarto,may hanging cabinet

na kulay melon may cabinet din sa sahig 

at walang lababo taliwas sa iniisip ko.

Nakita ko ang hamper na puno ng maduduming damit

Yung iba may mantsa pa ng ihi o parang dumi ng tao yata yun

at may mga itim na supot ng basura o baka damit na marumi rin.

Alam ko ang amoy ng manukan,

bahay na may aso o

bahay na may pusa o kuneho

pero ganito pala ang bahay ng mga matatanda.

Matatandang pensyonado

para mas nakaka-inspire pakinggan.

"amoy tae" garalgal na bulong ni Kurimaw

"tanga amoy lupa" bitaw ni Sabog.

Bumulwak ang pigil na tawa ni Lapis

kaya napilitan takpan ni Jigs ang bibig nito.

Naawa ako sa palad ni Jigs

minsan lang kasi mag sipilyo si Lapis.

Aamoyin ni Jigs puno kasi ng laway na malagkit

"Ulol ma-dedo ka nyan!" pigil ni Sabog.

Alam ng mabaho aamoyin pa.

Pigil na pigil ang tawa ni Mamuro at Tano

"Jigs, Maghiwahiwalay nga tayo ang daming pinto ng bahay na toh"

Sumang ayon sakin si Jigs .

Kanya kanya kaming bukas ng pinto.

Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon