Umatras ng isang hakbang si Malik palayo sa
sa pintong iyon.
Pinigil ang pag galaw
Ultimo ang kanyang paghinga ay dinahan dahan
dahil sa isip niya ay makikita siya ng anumang nilalang
sa oras na siya ay kumilos.
Tanging itim lang ng mga mata ang gumagalaw.
Tumitingin sa magkabilang gilid at nakikiramdam
ng biglang may tumulak ng napakalakas sa kanyang likuran
halos sumubsob si Malik sa kahoy na sahig.
Nanlaban ang dalawang kamay
upang protektahan ang kanyang mukha
kung kaya't uminit ang magkabilang palad sa pakiskis nito sa lapag.
Sa bandang huli'y tumama pa rin ang kanyang labi sa sahig.
Habang nakalatag ang harap ng katawan niya sa sahig ay nilingon
ng duwag na binata kung sino ang may gawa.
Lumunok nais malaman kung sino
ngunit may takot na baka makita niya ang hindi nais masilayan.
Dalawang malaki at malaman na mga rogadong kamay.
Napakadilim kung kaya't hindi makita ang mukha
ngunit nadama niya ang pag titig ng nilalang sa kanya
Sa pakiwari niya ay nakangiti ito sa kanya,
isang napakalaking ngiti.
Muli niyang itinalikod ang kanyang mukha at isinubsob na lang sa sahig
Diniin ang mga talukap sa pagkakapikit
tumulo ang mga luha.
Nagpapanggap na nabibingi.
Nilalansi ang sarili at Kinikanta sa isip
"Hirayamanawari hirayamanawari ating abutin......
.......sawsaw suka mahuli taya......"
Biglang hinila ng dalawang kamay ang magkabilang binti.
Hinila siya palabas ng nag iisang pinto ng ikalimang palapag.
Walang makapitan.
"langit lupa impyerno im-im-impiyerno"
tuloy sa pag awit nilalaro ang isip
Hindi niya alam
kung saan siya dadalhin ng mahiwagang nilalang.
Sa walang katapusang dilim ba?
Dahan dahan ang paghila .
Dumudulas ang mga dulo ng daliri sa kahoy na sahig
Hinila patungo sa hagdan
Hinila pababa
Tumama ang baba sa isang baitang ng hagdan
"SAKSAK PUSO TULO ANG DUGO!" isang malaki,mabilog at gasgas na boses
Biglang bumilis ang pag hila pababa.
Napakabilis na akala mo ay may gulong ang mga paa.
Sunod sunod na ang pag tama ng baba sa mga baitang ng hagdan
Hindi na kinakaya ang pasakit na pasakit na pagtama
Iniharang ng binata ang dalawang kamay sa baba.
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mystery / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan
