"Pilitin mo." pawis na si Jigs
Muling inistart ni Shewi at umingay na ang sasakyan "Ok na mga tol"
Hinagis ni Tano ang bag sa bukas na pinto sa likod ng Van
Lahat papasok na
"Iwan nyo yung pera" matigas kong pagkakasabi
"PARE, ikaw na lang kaya iwan namin??" banat ni Kurimaw
"Ano? Putch*" napapakamot si Tano
Habang naguguluhan si Malik at napailing si Mamuro
"walang sasakay ng van" pinandigan ko na talaga
"kung ayaw niyo sumakay ng van maglakad kayo." hamon ni Piso
Isinarado na lahat ng pinto ng van at sumaludo na lang si Lapis.
Tinitignan ko sila Malik,Tano at Mamuro
Hindi ko inaasahan na mag i-stay yung dalawa lalo na si Tano
"Tara mag lakad na tayo" Mamuro
Halos isang oras kaming naglakad napakalayo
hindi kasi yun service road
kaya walang mga sasakyang dumadaan .
Parang gusto ng sumuko ng mga paa namin
pero ayaw naming maabutan ng liwanag.
Hindi kami magpapahuli.
Kahit minsan hindi pa kami nahuli at mananatiling ganon.
Matapos ang isang oras ay
tsaka pa lang kami nakarating sa service road.
Sumakay na kami ng jip.
Ayaw naming magpahalata
pero napapatingin ang mga kasakay namin na
isang matandang babae at binata.
Para akong lumulutang sa dagat
parang kakaahon ko lang sa tubig.
Lumulutang ang aking katawan.
Puno ng paghihimagsik ang mukha ni Tano
alam kong hindi niya ako maintindihan.
Maliwanag na pagbaba namin ng palengke
parang inabot kami ng apat na oras hindi ko alam kung bakit.
Naririnig ko yung manong at aleng nagkukwentuhan tungkol sa isang nakawan.
Alam kong kami yun.
Pasimple kaming nagkakatinginan
pero diretso lang ang tingin ni Tano sa daan.
Sabay kami nila Malik at Mamuro sa paglalakad
tanging likod lang ni Tano ang aking nakikita
maya maya ay nakikita ko na ang likuran nilang tatlo.
Alas onse na ng hating gabi ng makauwi kami
ang pinagtataka ko bakit inabot kami
ng ganun katagal tila ba humaba ang lahat ng kalye
at kalsadang dinaanan naming apat.
Huminto na sila sa paglalakad ng marating namin ang gate
papasok ng compound ng aming tirahan.
Ibinukas ko ang gate
at isa isa kaming pumasok.
Bawat isa samin na nakalampas ng gate ay tila
hugas kamay sa kung anuman ang aming pinanggalingan.
Habang nilalakad ang makipot na kalye ay
hindi ko alam kung ano ang naghihintay
sa amin bukas ng umaga.
Nilampasan namin ang dikit dikit na bahay hanggang marating
naming apat ang paborito kong hagdan.
Ito ang aming teritoryo.
Pag akyat na akyat mo sa hagdan ay makikita mo
ang sampung pintong magkakatapat
lima sa kanan at lima rin sa kaliwa
sa makipot na pasilyo na isang tao lang ang kasya.
Isang maliit na paupahan na kada kwarto
ay halos singlaki lang ng dalawang elevator na pinagsama.
Ang nag iisang banyo ay nasa ibaba.
Ang ibang kwarto ay inupahan para lagyan ng arcade.
Madalas may sesyon sa ibang kwarto sabog ang
usok maamoy mo ang mariwana.
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mistério / SuspenseGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan