Napakatipid na hangin
hindi sapat para hawiin
ang aking kalungkutan.
May kilabot sa aking balat.
Nagpapataas ng aking mga balahibo
dala ng tubig at munting amihan.
Hindi ko nalarawan na mag tatapos ako
sa isang dalampasigan
kasama ang isang napakalamig na katawan
Nakatalikod ako sa sanlibutan
habang tinititigan ko ang buwan
na kinaknalong ng karagatan
napaka liwanag ,Napakaganda
tila naguusap kami mata sa mata.
Maya maya ay
Narinig ko ang pag papatay ng makina ng sasakyan
Hindi ko napansin ang pagdating nito
dahil sa pagtitig ng mga nangangalay kong mata sa kabilugan ng buwan
Mga mata kong ngalay na ngunit ayaw pang bumitaw
dahil alam kong ito na rin ang syang huling pag dilat.
Hindi pa ako humaharap
ay naririnig ko na ang napakaraming kambal na hakbang sa batuhan.
Hindi iisang tao,dalawa o tatlo
napakarami nila
nasa labing lima
Humarap ako at sa unang pagkakataon
nagkita kami.
Alam ko na sya yung taong inaasahan kong darating
Maghahanap ng aking mga tinangay.
Maputi , matangkad at may pagka singkit
Napaka kinis ng balat.
Narinig ko na ang pangalan niya.
Si Antonio Ong
ang panganay na lalaki sa pinaka huling henerasyon ng mga Ong,
ang tagapagmana.
Habang sa kahabaan ng pagtakas
" balikan natin si tol.Mga pre di kaya ng konsensiya ko......Baka magalit siya"
Pawis na at parang maiiyak at maiihi sa salawal si Malik
" tang ina tulungan mo na lang akong magbilang dito" Gamal na gamal si intsek
Yakap ni intsek ang bag na puno ng ginto
Nakabukas ito na halos matapon na ang laman
"kasalanan ko to eh" nagbubuntong hininga si Mamuro
puno ng pag sisisi.Parang walang katapusan ang pawis sa patilya
"KALMA...PUTA!"
"Di ako makapag maneho ng maayos sa inyo eh!" sigaw ni Sam na wala naman ibang ginawa kung hindi nagmasid sa paligid
Hawak ni JZ ang attaché case
Nadudulas dulas pa ang mga kamay kahit mahigpit ang pagkakabitbit
Makikita ang saya at pagkagahaman sa kanyang mga mata
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!"Parang mababaliw na si Malik
"Ihinto niyo to" kinikalampag ang kisame ng van
Nairita si Mitch at si Lauren
Nagkatinginan si Tano at Mamuro
Tila nagkasundo sa binabalak
pero aakma pa lang inunahan na ni Jam at JZ
Binuksan ni JZ ang likod ng van
At kinaladkad sa likod ng shirt si Mamuro
Sumaklolo si Tano
Gumegewang na ang pagmamaneho sa kagustuhan ni Sam na tumulong sa eksena
"'Wag kang hihinto!" sigaw ni JZ
Pinilipit ni Tano kanang braso ni JZ
At tsaka hinila pabalik sa loob ng van ang nakalawit ng ulo ni Mamuro
Napaupo ang dalawa sa lakas ng pwersa ng pagkakahila nito kay mamuro
Hingal na hingal ang dalawa pero hindi pa man
Bumunot ng baril si JZ
BANGGG!!!!!!!!!
At walang patumpik tumpik na sinipa ni Jam palabas si Tano
Gumulong gulong ang katawan ni Tano sa kalsada
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" napapapikit ang dalawang babae sa takot
Nanlaki ang mga ni Mamuro at Malik
"Bobo! Bakit mo sinipa malalaman nila kung saan tayo dumaan!"
Pagkatapos ng sigaw na iyon ay napalitan ng napakatinding
katahimikan sa loob ng sasakyan
Tumutulo ang luha ni malik.
Maya maya ay kinakapos ng hininga
Kaya binuksan ni Sam bintana sa kaliwa ni Malik
May napakanipis na hamog at may lamig ang paligid kahit walang hangin
"PAALAM" ngumiti at muling tumulo ang luha at saka tumalon sa bintana
"OH MY GOD!" sigaw ni Mitch
"ikaw susunod ka din?" matapang na tanong ni JZ kay Mamuro
Kahit nababalutan na ng takot ang loob ng van
Binuksan ni JZ ang pinto sa likod
Sinipa ni Jam si Mamuro
pero sinalag ito ni Mamuro ng dalawang kamay
"Di mo ko kailangan itulak dahil tatalon ako!"
At saka nagpa tihulog si Mamuro
"Mga balat sibuyas!bakit ka ba kasi nagsama ng mga mahihina?! mga K*pal!"pagkainis at pagyayabang ni sam
"Right Turn..." pagbasa sa karatula "wait teka diba guys nadaanan na natin toh?" pagtataka ni Lauren
Nagpapatay sindi ang ilaw sa loob ng van
Kinabahan ang lahat pero bumalik din sa normal ang ilaw
Sa sobrang tension sa loob hindi nila na puna na bago pa man magpambuno si JZ at Tano
ay may nawawala ng isa
"ASAN SI INTSEK?" nakakakilabot na tanong ni Mitch
Napatingin si Sams a likod ng biglang tumirik ang makina
Tumunog ito ng parang taong nauubusan ng hininga sa pagkakasakal
at saka tuluyan namatay at huminto ang sasakyan.
Kinilabutan na ang lahat at
BLAGGGGGGGG!!!!!!!!
May bumagsak na kung ano sa bubong ng van.
Pinatay nila ang ilaw sa loob
at nagsalita ng pabulong
"Ano yon?" naiiyak na si Lauren
"Sino yon?"tanong ni Jam
Tumulo na ang luha ni Lauren habang nakatakip ang mga kamay sa bibig
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mystery / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan
