Second Night: IX

3 0 0
                                        

Gusto kong mapa operahan ang nanay ni Tano

na nabigo kaming gawin sa lola niya.

Gusto kong bumalik kay Mama.

Balita kong madalas siyang mangutang para sa aking mga kapatid.

Pagkatapos nito magbabagong buhay na ako 

pati ang aking mga kaibigan.

Sinindihan ko ang hawak kong kandila

sa apoy ng kandilang nakatirik sa altar ngunit namatay ito

Dun ko na natitigan ang Santo

May katawang tao at ulo ng baboy ramo

Anong klaseng relihiyon ito?

Iba ang senyales nito sa akin.

Hindi 'to pangkaraniwan.

Sinubukan ko ulit sindihan ang hawak kong kandila

sa pang-apat na kandila ng altar ngunit namatay din ito.

Sinubukan ko sa pangatlo ngunit namatay din

Tila ba hinihigop ng kandilang hawak ko ang apoy ng kandilang dinidikitan nito .

Isang patibong ang kandilang hawak ko.

Bawat kandilang idikit ko dito ay nawawalan ng apoy

ngunit hindi naman sya nasisindihan

kaya hinugot ko ang pangalawang kandila.

Nang hawak ko na ang pangalwang kandila 

ay lumuwag ang aking paghinga.

Umaliwalas ang aking pakiramdam

ngunit bigla din itong namatay ng walang dahilan.

Iisa na lang ang natitirang kandilang nakatirik sa altar

Muli ay dumilim....ubod ng dilim ang paligid dahil halos naubos na ang mga kandila.

Pawis na pawis na kami ni Malik

Ano ba ito laro ng isip?

"Kapag hinugot ko ba ang nag-iisang kandilang may sindi sa altar 

ay mamatay din ba ito o kapag sinindihan ko ang kandilang hawak 

ko ay papatayin nito ang nag iisang kandilang may liwanag?"

Alin sa dalawa O baka parehong wala? Walang pag asang magka liwanag...........


Napakalayo ng tindahan

nabubunggo na ni Tano ang mga taong naglalakad sa Social Hall

Nakasalubong pa niya ang isang babaeng kapitbahay

"Antony!" nakangiting bati

"UY!" ngumiti lamang

Nagtaka ang babae dahil halatang nagmamadali at pawis na pawis si Tano.


Bwisit na altar to

Sadyang may mga relihiyong huwad

gawa ng mga taong may paghahangad.

Hindi bibitbitin ang mga taong ligaw sa kabutihan

kundi sa mas malalim na kadiliman at kawalan.

Matagal na nung huli akong sumamba

Isa akong makasalanang tao


Wala akong puwang sa puso nya

Paano na ang mga katulad ko?

Hindi ba kami nilikha?

Kung hindi bakit kami narito?


Nakakita si Malik ng kahon ng posporo sa ilalim ng santo

Tumingin sya sa akin at ibinukas ang kahon

Lahat itim na ang ulo

Isa na lang ang pula

"wag magbubukas" huli na ng aking naalala d

ahil naikiskis na ni Malik ang ulo ng palito


Umalingaw ngaw sa isipan ng dalawa ang tinig ni Albert

"Walang magbubukas ng posporo't kandila

Baka maamoy ng mga nagbabantay"

"Walang magbubukas ng posporo't kandila

Baka maamoy ng mga nagbabantay"


Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon