Second Night: III

8 0 0
                                        


Naglalakbay ang aking isipan sa isang lumang alaala.

Ginusto ko noon na umuwi kay Mama

pero mag isa lang siyang bumubuhay sa aking mga kapatid

kaya isinara ko ang pinto at umalis sa pag dungaw sa aming bahay

at muling bumalik sa langsanggan bago ako naisauli ni Kapitana

sa bwisit na kwarto na makikita sa paborito kong hagdan.

"Sigeh text mo lang sakin yung info.

time,loc. tsaka date."

"YUN!"

Pag uwi ko sa masikip na eskinita ng Toctocan

ayun may mga batang nagtatakbuhan.

"Pesteng mga bata to! Dun kayo magtakbuhan! Madulas sana kayo"

Marami nanamang tira sa meryendang tinda ni Aling Barbie

Basa ang daan dahil pinaliguan si Tanya ang motor ni Edu.

May mga nag-iinuman

kasama nanaman si Mang David

himala wala si Papa.

Natanaw ko na ang paborito kong hagdan.

Makipot ito mga dalawang dangkal ang lapad

matipid ang mga baitang halos kalahati lang ng paa ang kasya.

Nagulat ako nakasalubong ko si papa 

may dalang flakes in oil at skyflakes.

Nakasampay ang t shirt sa kaliwang balikat

Labas ang malaki nyang tiyan na binuntis ng alak.


Hinugot ko sa ilalim ng kama ang bag na de gulong 

na binili ni sakin ni Mama  

nung ako'y Grade 2.

Ito lang kasi ang nabitbit ko nung maglayas ako.

Kinuha ko sa loob nito ang paborito kong costume.

Mukhang matutupad na ang pangarap kong makapag Moonwalk.

BEEEEEEEPPPPP BEEEEEPPPPP

Putch* same day din pala ang ketRa namin.

Excited na may kaba na may takot.

10 pm na

mga bandang eleven dapat asa event place na kami


Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon