XVIII

35 0 0
                                    

Napakadilim

ramdam ko ang pwersa ng mga matang nakatingin.

May mga hakbang maliliit at mahinhin

lumalagpas sa akin

papunta sa kaliwa't kanan.

Bumukas na ang dalawang bintana ng aking pakatao.

"Tol!"

"Ayan na gising na sya."

"Wag kayong maingay."

Malabo pa ngunit kita ko na ang hubog ng kanilang mga katawan

"TOL!"

Alam kong boses yun ni Malik.

"Ang kulit neto . 'Wag maingay sabi."saway ng isa

Sino tong lalaking naka-tshirt na kahel

malapit sa aking tabi?

Nang luminaw na ang aking paningin "Jigs? Kala ko......."

"Hindi pre buhay pa ko pwede pa nga tayong mag tampalan"

"Gags"

Natawa sya sa sarili nyang kalokohan

"tagal mong nawala akala tuloy namin"

"Hindi naman ko sumama sa kanila .Binaba nila ako sa pinakamalapit na klinika"

Nagbalik tanaw si Jigs:
"Pare may REGLA KA! Ta** ***" bulalas ni Sabog ng makita ang tama ng saksak
sa katawan ni Jigs.

"bakit di ka agad nagpakita?" tanong ko sa kanya

"Bakit hindi kayo nagpunta nung matagpuan yung van? Pare pareho tayo ng dahilan.Natakot din akong sundan ng sumpa.Tama ka talaga Pre.Dapat nakinig ako sayo."

"Okay lang yan tol nakabawi ka na. Niligtas mo kami" Pag alo ni Tano "Lahat naman tayo nagkamali"

Tumagilid ng higa ang lider ng grupo ng may makita si Malik

"DUGO! DUGO! May dugo si ToL!!" patuloy na kumakalat ang dugo sa puting tela

"NURSE!!!" sigaw ni Malik

Nanlaki ang mata ni Mamuro.

"Regla!" natatawang sambit ng lider

"Ikaw din?" pagbibiro ni Jigs

Nagtawanan at nagkatuwaan ang buong grupo

" 'Wag kang mag-alala pre babalikan natin yung bebot mo"

Magkasundong tinginan ni Jigs at ng kaibigan

Sumang ayon din ang tingin nila Tano, Mamuro at Malik.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon