Sa aming pag-akyat unang pinto pa lang ay
narining ko na ang tumamang nguso ng bote sa bibig ng baso.
Malakas ang tawanan ng mga kalalakihan isa dun sa boses
na yun si Bungal ang manong na sikat sa pagkalasinggero.
Pinapakiramdam ko si Papa sa mga nag-iinuman .
Tuloy tuloy kami sa paglalakad nakalampas na kami
sa anim na pintong magkakatapat
tatlo sa kanan at tatlo sa kaliwa.
Ibinukas ng isang babae ang panggatlong pinto sa kanan
para ipasok ang mga tsinelas nilang nakakalat sa pintuan.
Sa pag bukas niya ng pinto ay nakita ko ang itim na plangganang
nakasabit sa dingding nilang puro sticker ng Voltes v,son Goku at pokemon.
Bukas pa ang tv na nagsabog ng liwanag sa kwarto .
Sa aking kaliwa ay naririnig ko ang madidiin
at gigil na gigil na pindot ng mga batang nag
aarcade at banggaan ng mga pisong hawak
ng mga susunod na maglalaro.
Napatingin sa akin ang babae
palibasa markado na ang aming grupo kaya alam
nila kung saan kami nanggaling .
Kilala na kami sa aming mga gawain
ngunit hindi namin tinatalo ang mga taga sa amin.
Nagulat ako ng kanya kanya silang pasok
ng kanilang mga kwarto at umatras na si Malik
para bumaba ng hagdan at umuwi.
Inihatid lang pala nila ako sa aking pinto.
"Teka lang..... Teka lang diba mag-uusap pa tayo?"
ang usapan kasi papasok kami sa iisang kwarto para pag usapan
kung anong susunod naming hakbang
at para linawin kung anong nangyari kanina sa aming tinrabaho
at bakit nauwi sa magulong usapan ang lahat
"Wag muna kayong pumasok!" napalakas ang aking boses pero ni isa
walang sumagot tila wala silang narinig bagkos si Papa ang nag salita.
Mula sa pinakaunang kwarto na malapit sa hagdan ay
nagsalita sya " Anong oras na nasa labas ka pa. Matulog ka na
at ng may makuhang sustansya naman yang katawan mo."
Nagsalita ang magaling.
Akala mo kung sinong concern.Akala mo kung sinong maayos ang
pamumuhay at maagang matulog.Bakit ako makikinig sa kanya?
Bakit ngayon pang malaki na ako?
Ngayon pa sya aarte na tatay sya?! Hindi ko sya gustong sundin.
Hindi ko sya gusto dahil hindi nya ako gusto.
Kahit hindi man niya sinabi ay naramdaman ko iyon noon.
Maliit ang tingin niya sa akin dahil dun
pakiramdam ko mababa lang ako.
Hindi niya ako tanggap.
Nanatili lang ako sa tapat ng aking pinto
habang nahahati ang aking isip sa grupo naming nagkalabuan,
ang usapan mag-uusap usap pa dapat kami
at yung isang lumang alaala.
Ang pagbabalik ng alaala ni Mama
at kung bakit nakahiwalay ako sa kanya.
Hindi iyon ang pangarap ng sinumang bata,
ang mahiwalay sa kanyang ina.
Hindi ko na rin lubos na nakilala ang aking mga kapatid
dahil maaga akong umalis ng bahay.
Pinulot na lamang ako sa lansanggan sa hirap
at gutom hindi ko kinaya ang mamuhay na walang tirahan.
Napilitan akong umuwi sa kwartong iyon
kasama ang isang taong hindi ko nais.
Ngayon ako na ang mas madalas na may pera at hinihingian niya.
Pagpasok ko tinitigan ko lang ang bumbilya at nagnilay nilay.
Muli akong lumabas para katukin sina Mamuro at Tano.
Pagkatok ko kila Tano "Wala sya dito kakalabas lang "
"San po sya nagpunta?"
"Tignan mo sa kabilang kwarto"
Sinilip ko ang kabilang kwarto ngunit wala din sya kaya inisa isa ko na.
Isinama ko na ang pinto nila Mamuro pero
"akala ko nasa inyo" sagot ng ate Apple niya.
Akala ko ay magkasama sila pero parehong wala ang dalawa.
Ibinukas ko na ang lahat ng pintuan.
Isa isa kong kinatok at ang isang tahimik na kwarto
ay malakas kong itinulak.
Nakita ko ang mag asawang nakahiga at naglalambingan.
Wala talaga kaya nagpunta na ako sa arcade-an
kahit na ako lang naman ang mahilig sa super Mario
at metal slug.
Wala, lahat sila wala.
Tila pinagtataguan nila ako.
Ayaw na nila akong harapin.Kasalanan ko ba ang lahat?
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mystery / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan