Nagtagpi tagpi sa isip ko ang pangyayari
Bakit apat lang ang bangkay? Asan yung isa?
Pano nakatawag si Sabog sa klase ng radyo namin
gayong napakalayo ng Paranaque sa QC?
Bakit ngayon lang nakita ang Van
eh dalawang linggo na ang nakakalipas nung tumawag si Sabog?
Ang mas kinilabutan pa ako ay kung saan natagpuan ang van.
Tatlumpung hakbang lang ang layo sa bahay ng mga matatanda.
Ibigsabihin ay hindi talaga sila nakalayo o baka pinaikot lang sila.
Pagkalason sa carbon monoxide ang ikinamatay nila at hindi halimaw.
Tama ang sabi ni Lola "paglalaruan nila ang isip mo."
Sinariwa niya pa sa kanyang isip habang ikinukwento
"Alam mo ba apo kung bakit yumuyuko ang mga bata sa matatanda? Ang sabi nila ay simbolo ito ng pag galang .Sa totoo lang ay para hindi nila makita; ng mga mas naktatanda ang mukha ng mga taong dumadaan"
"Dahil sa pamamagitan ng pagtanda sa mukha ng isinumpa ikinakabit ang kamatayan" paulit ulit na kwento ni Lola na nakabisado ko na
Tama si Tano bulag yung matandang yun
kaya paano niya ikinabit ang sumpa?
Inisip kong mabuti ang lahat lahat halos mabuang ako kakaisip.
Hindi ako bumangon sa sahig hanggat di ko naiisip ang kasagutan.
.............................
Yung pera! May mukha ang pera.
Sigurado akong ikinabit niya ang sumpa sa mga perang tinangay nila Jigs.
Isinantabi ko na muna ang pag sariwa sa nakaraan.
Nakakagutom ang maghapon sa construction site
ng tinatayong mall sa Divisoria.
Hindi na ko naghugas kasi sabi nila mapapasma ka
kung maghugas ka ng pagod ang kamay.
Nanginginig na ang kamay ko sa gutom
kaya pumasok ako sa isang maliit na karinderya.
First time kong kumain sa puwesto na 'to.
May limang maliliit na kuwadradong monoblock na mesa.
Lahat nakatingala sa maliit at makapal na tv
"sisig po kalahating order tsaka isang kanin"
Nakasayad ang dalawang siko ko sa mesa
habang sinisipsip ng madiin ang straw.
Umere ang commercial ng shampoo na ulo at balikat.
Hinahawi ng babaeng model ang buhok
sa likod ng ulo papunta sa harap
Napakaganda talaga ni Kristine Hermosa.
Beeeeeeep beeeeeeeeep
Nag vibrate ang selpon kong mamahalin
Nokia 3210 GSM(Galing Sa Magnanakaw)
"Tol may raket tayo"
Sender:Malik
07-28-01
5:45PM
"tol anong klaseng raket?"
"Costume Contest"
Magsuot ka ng kakaiba.
Mas kakaiba mas patok.
May extrang bayad pag nag stand out."
"ayoko nyan" Pero napaisip ako kasi parating na ang Ber months.
Birthday na ni Mama
gusto ko siyang dalawin at regaluhan
"Tol malaki bigayan dito"
"magkano ba?"
"mga limang libo hanggang sampung libo"
"sobrang laki naman nyan tol !"
Hindi agad ako makasagot ayoko ng jologs na trabaho
pero sure matutuwa si Mama pag naibili ko din siya ng 3210.
Yun yung 1st selpon niya pag nagkataon.
"tol ano? Ano na?"
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mystery / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan
