Second Night: VI

7 0 0
                                    

 "Walang magbubukas ng posporo't kandila

baka maamoy ng mga nagbabantay"

Anong ibigsabihin ni Mang Albert?

Anong klaseng tagabantay?

Musang o taong lobo?

Taong may itim na kapangyarihan?

Ganun katalas ang pang amoy?

Kung sa bagay pag nababawas ako

gumagamit ako ng posporo

para mangamoy ang pulbura sa banyo.

Hindi ako kakabahan sa mga ganyang linya.

Kahit ano pa yun maiisan namin sya o sila.

Pito kaming pumasok sa torre

Si JZ,Si Jam,si Mitch,si Lauren ,ako tapos si Malik at si Mamuro

yan ang pagkakasunod sunod namin.

Naiwan sa labas si Sam at Mang albert

Pinaiwan ko din si Tano para kung ano't ano pa man

ang mangyari mayron kami ng grupo ko na tao sa labas.


Umakyat na kami sa makipot at mahabang hagdan.

Nakapila kami ng isang linya paabante pagkat masikip ang hakbangan.

Napakadilim para kang nasa itim na lagusan

Wala kang makikita maski ano.

Buti na lang dala ko ang pang-sekyu kong flash light

Yung mahaba at mabigat na pwedeng ipanghampas sa tigas at bigat

Sa grupo ko ako lang ang may flashlight habang sila JZ ay may kanya kanyang dala

Napakadilim talaga pero di ko maiwasan

 na maamoy ang buhok ni Mitch na

amoy conditioner . Naamoy ko din ang balat niyang amoy lotion

palibasa nakasuot sya ng off shoulder.

Nakaayat na kami ng isang hagdan.

At ngayon ay nagsisimula na kaming umakyat 

ng pangalawang hagdan ng biglang tumunog ang isang music box.

"OMG" sumiksik sa leeg ko si Lauren

 kaya nakaramdam ako ng kung ano.

Lahat kami kinilabutan parang palapit ng palapit ang tunog.

"Sorry,guys ring tone ko yon" buwisit talaga si Jam

"Patayin mo nga yan" birada ni JZ

Inunlocked ang selpon "Oh bakit biglang na-low batt

 kakacharge ko lang nito ah"

Nang makalagpas kami ng pangalawan hagdan

ay nagpatay sindi ang aking flash light "anong nangyayari dito?"

tinaktak ko at muling sumindi ng tuluyan.

Masikip ang pangalawang palapag sapat lang para tumayo kami dahil

walang pasilyo. Ang nakikita lang namin ay pinto sa kaliwa at kanan.

Binuksan ni JZ ang kaliwang pinto 

ngunit walang laman na kahit ano ang kwarto

Napakaliit,Walang laman at mas nadiinan ang kawalan ng laman nito dahil sa puting pintura.

Bakante at walang iniwang presensya kungdi pagkadismaya.

Binuksan ko naman ang kanang pinto ngunit wala din namang laman at ganun din ang laki.

May bukas na bumbilya ang bawat kwarto 

na hindi mo mahahalata kapag nasa labas ka ng silid.

Lumibot ang aming mga mata sa loob ng silid at saka ko isinara.

Ikatlong hagdan pagkatapos ay

pang-apat na hagdan tuluyan ng namatay ang aking flash light.

Pansin ko na bawat hagdan ay napakahaba

sa sobrang haba mapapaisip ka kung kailan ang huling hakbang.


Sa wakas ay nakatayo na ulit kaming pito sa sumunod na palapag.

Muli ay mayroong pinto sa kaliwa't kanan.

Mayroong maliit na altar sa gitna ng palapag.

May kakaibang presensya .

Isang maliit na mesa na sa gitna na may santo na katamtaman ang laki

at napapalibutan ng anim na kandila.

May hugis luha na kulay pulang bumbilya 

na nakakabit sa dingding sa may ulonan ng santo.

Hindi ko masyadong tinitigan ang santo 

wala akong panahon sa mga ganyang bagay.

Ibinukas ko ang kanang pintuan.

Napakaliit ng kwarto halos 'sing liit ng elevator.

Bakante ang kwarto ngunit may dalawang pinto.

May pinto sa tapat ng pintong ibinukas ko

At mayroon ding pinto sa kaliwang pader ng silid na yun.

Wala gustong pumasok sa silid at magbukas ng mga pinto.

Parang may presensya ng burol,

amoy ng naembalsamong katawan.


Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon