Nararamdaman ko ang bigat ng paghinga ng aking mga kasama.
Nararamdaman ko ang takot nila.
"Ako na" paghakbang ko ng dalawa o tatlo papasok
ay tinignan ko ang apat na sulok ng silid
parang naibalik ako sa lumang panahon.
Ibinukas ko ang pinto sa aking harapan .
Hindi ako pumasok ngunit idinungaw ko ang aking ulo
Humarap ako sa aking mga kasama para sabihin "wala ring laman"
Pagkatapos ay para bang may narinig akong
dalawang mahihinang hakbang ng
sapatos na may malalapad na takong.
Kadalasan kong madinig sa balat na sapatos
ng lalaking may mababang takong.
Isinara ko ang pinto at binalewala.
Pumunta ako sa pintuan sa kaliwang pader "wala ding laman"
Nang naibukas ko na ang dalawang pinto sa loob ng silid na iyon ay lumabas na ako
At isinara ang kanang pinto.
Ibinukas ni Jam ang pinto sa kaliwa
Lahat kami ay nakatunghay.
Mayron lamang mesa parisukat ang hugis
Gawa sa kahoy na kinulayan ng makintab na barnis.
Sa pader ay may mga picture frame.
Ang mga larawan na nagkukwento ng lumang kasaysayan.
Kasaysayan ng Pilipinas at mayron din larawan
ng isang angkan.
May mga pusa sa ibabaw ng mesa
lima lahat isa isa kong binilang.
May nakaupo, may nakahiga at naglilinis ng balahibo.
Sa sahig sa ibaba ng mesa ay ganoon din ang bilang ng mga pusa.
May nakahiga tila nagpapahinga at mayroon din nakaupo.
"bakit may pusa dito?" tanong ni JZ
"Ang kyut naman" gustong hawakan ni Lauren
"Wag!" saway ko
Hahakbang na papasok si Jam
"Wag niyong pakialaman" alam ko 'to
Nakatingin sa amin ang mga pusa akala mo taong may isip
"hindi sila alaga palatandaan sila."
Sa palagay nyo ba mabubuhay ang mga pusang yan ng
walang nagpapakain?
Hindi sila madumi ibigsabihin ay napapaliguan sila.
May papabalik balik dito para alagaan sila.
Biglang tumayo ang isang pusa na asa ibabaw ng mesa
kulay puti at kahel nagmamadali ang kanyang kilos
tila susunggab ng talon o takbo patungo sa amin.
Sumunod ang isang nasa ibaba ng mesa na patayo na din
Ang isang nakatayo na talaga
ay parang gusto ng lumakad sa aming direksyon.
"Isara nyo! ISARA NYO!"napataas ang aking boses kaya lahat ng aking kasama ay nanigas
Buti nahila ni Mamuro ang pinto para isara.
Kumunot ang kilay ni Lauren "alam mo nakakaba ka"
"Pag nagkulang ng isa yan ibigsabihin may pumasok dito at tayo yon!"
DUGGGGG!!!! Natumba ang santo
at lahat kami ay nagulat.
Namatay ang flash light ni Mitch
Itinayo ko ang santo habang nakatingin sa kisame
"Aray!" parang natinik ako
"What happened?" natatakot at nag aalalang tanong ni Lauren
"Wala"
"Okay ka lang tol?" tanong ni Malik
"wala to"
Namatay ang ilaw ni Jam
Namatay ang ilaw ni JZ

BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mystery / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan