Kapag pagabi na nagsisimula na akong makaramdam ng lungkot.
Hindi ko mapigilan
parang sinisisi ko yung sarili ko
sa mga nangyari.
Kung napaniwala ko sana sila
Eh di sana lahat kami nasa ayos.
Parang nahiwalay ako sa kanila
hindi lang sa kanila pati na rin sa aking sarili.
Matagal kaming hindi nag usap usap
Wala na rin ako masyadong balita sa kanila
bastat ang alam ko pumasok sa factory ng De latang sardinas si Tano,
si Mamuro ipinagpatuloy ang pagaaral niya,
at si Malik tuloy ang paybsiks.
Ako? Pintor. Sumasaya ako pag nakakakita ako ng iba't ibang kulay.
Naalala ko mga dalawang taon na ang nakalipas
isang linggo kaming halos hindi makakain
nagising akong tuyo at namumutla ang labi
hindi na ako nasisinagan ng araw
bago ako magkaganun
ay nagksasigwan kami ni Tano
ng mag punta ako sa burol ng kanyang Mahal na Lola
"Biskwit tsaka kape po!" nag aabot ang Nanay ni Tano sa mga bisita.
Gabing gabi na at pagod pa ako galing sa trabaho.
Pinilit kong ngumiti at magpanggap na maayos ang lahat sa amin.
"Anong ginagawa mo dito?"
Itinulak ako ng napakalakas ni Tano
"Pare wag!" awat ni Mamuro
Natumba ako kasabay ng puting plastik na upuan
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
"Kaibigan mo ko..." halos maiyak kong sabi
Sa akin sinisi ni Tano ang hindi pagkaka-opera sa lola niya.
"Pagpasensyahan mo na yung anak ko ah"
Itinayo ako ni Malik at ng iba pang bisita
Lahat kami nag sipayatan at halatang walang tulog.
Yun ang huli naming pagsasama samang tatlo.
Binasa ko ng laway ang nanunuyo kong labi.
Ilang linggo pa ba kaming magkakaganito?
Ginising ako ng bagong kabit ni Papa.
Kabit sya ni Papa dahil kasal pa din naman sila ni Mama.
"Kumain ka ng lugaw bumili ako.May kalamansi diyan sa loob ng plastik"
"May kalamansi ka din ba sa loob?"Kakainin ko talaga yun dahil pera ko
ang pinangbili nya
"Huh?"
"Wala" kahit anong pilit niyang magpakabait
wala pa rin akong amor sa kanya.
Wala akong pakialam sa kanya at sa mga susunod na bagong kabit.
Binuksan niya ang t.v. at nakita ko si Ms.Korina Sanchez
"Isang van ang natagpuan laman ang apat na malalamig na bangkay ng mga hindi pa nakikilalang mga lalaki.Ayon sa Forensic ay lason sa carbon monoxide ang ikinasawi ng apat.Ito ang binubuga ng exhaust system ng mga sasakyan at nakamamatay kung makalalanghap ng madami.Natuklasan ang napakalaking bag na puno ng ginto at cash sa loob ng van.Napag-alaman na may kaugnayan ang mga ito sa nangyaring nakawan sa Bahay Tungtungan"

BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mistero / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan