Ginising ako ng isang nagmamadaling katok.
"Tol, si Sabog tumatawag" inabot sa akin ni Malik ang radyo
Naroon na din sina Tano at Mamuro
Nagkatinginan kaming tatlo pero hindi muna kami nag usap.
Inuna ko ang tawag .
"Pare, tulungan mo kami!" malakas na sabi ni Sabog
Naghahabol ng hinga
"Ano? Bakit ? nyare?"
Napuputol ng bahagya ang kabilang linya.
Maririnig ang kiskisan ng nasisirang linya.
"Pare!"
"Ano?"
"Sila Shewi ......." naputol saglit " inaatake kami!"
"Nasan kayo? Tsaka sinong umaatake sa inyo?"
"Hindi ko alam kung nasan kami...mahamog dito...
Inaatake basta hindi ko maintindihan kung ano sila"
"Sumpa" bulong ko sa aking sarili
"Tol bakit?" tanong ni Malik
Narinig ko ang sigaw ni Kurimaw at Piso tila may kinakalaban sila
"PARE!"
"Wag kang maniwala sa nakikita mo!"
"Panong di ako maniniwala dumudugo na yung mga kasama ko!"
"Pumikit ka! Pumikit ka para hindi mo makita"
"Pano ko pipikit?" tila umiiyak na
Wala ng talukap ang mga mata ni Sabog
Tila hinatid ang kaluluwa ng lider sa eksena kung nasaan sina Sabog.
Wala ng bubong ang van
at nasukol na sila ng mga nakakatakot na nilalang.
Kawangis ng Tao ngunit napakahaba at matalim ang mga kuko.
Wala silang balat at buhok .
Namumugto ang mga luwang mata.
Muling nakabalik sa kanyang katawan ang lider
"WAAAAHHHHHH!!!!!"
"pare? Pare?" wala na akong narinig
pagkatapos ng Sigaw na yun ni Sabog
"Tol!" yugyog ni Malik sa kanang balikat ko
"Patay na sila Jigs"
Nagka tinginan si Mamuro at Tano
"Pano?"
"Yung sumpa" seryoso kong pagkakasabi
"Walang sumpa!" pagdidiin ni Tano
"natandaan nung matandang babae yung mukha ni Piso.
Sa pagtanda sa mukha ng isinumpa ikinakabit
ang kamatayan"
"Bulag yung matandang yun! Sa harap niya mismo binuksan ko yung kaha kinuha ko yung bag! "

BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Детектив / ТриллерGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan