Makain sa oras kapag wala kang ideya sa pinapasok mo
at first time namin ang ganito.
Lahat ng pinagnakawan namin noon
alam namin ang istraktura ng bahay
at kung saan makikita ang cash at alahas
subalit hindi sa pagkakataong ito
dahil bibihira lang ang nakakapasok sa Bahay Tuntungan.
Kung wala kang kamag-anak syempre hindi ka makakapasok
maliban na lang kung tubero ka,karpintero o ano pang utility maintenance.
Kahit yung mga yan walang alam kagaya ni Mang Tonyo
"Mga hijo iba na lang ang pasukin niyo" pagkatapos namin syang painumin ng Pop Cola.
Nagtatanong pa lang kami alam na niya .
Sa dami ng digmaan nung panahon ng mga matatandang yan
sanay sila sa kalaban at espiya kaya sa pulong lang ng mga matatanda
napag-uusapan ang tungkol sa kanilang mga ari arian.
Simpleng Lohiya kung ikaw ang may-ari ng yaman san mo ilalagay?
syempre sa Master's bedroom
pero kung ako ang may ari ilalagay ko sa banyo sa may likod ng inidoro
o kaya sa ilalim ng mga tiles.
Ni-radyohan ko si Jigs "Pre, asan ka na?
"Andito na kami sa Malaking kama Gag*"
Mas idiniin ko pa sa tenga ko ang telephonong radyo.
Gusto kong marinig kung anong meron sa pwesto ni Jigs.
Parang ordinaryong bahay lang naman to
masyado yata akong na-alarma pero di bale at least nag iingat.
Sinunod ko pa din ang loob ko,
dun ako pumasok sa pintuang nasa dulo.
Iba ang ambiance ng kwarto alam kong banyo 'to
kaya kinapa ko ang switch na malapit sa pinto
pero ang masaklap nito meron ng kamay na nakapatong sa switch.
Tinayuan ako ng balhibo sa batok.
Mukhang may nag cr sa mga matatanda.
Paano mo tatakasan ang ganitong eksena?
Buti na lang magaan at maliit ang kamay ko kaya agad ko
itong hinugot pabalik sa katawan ko.
Winasiwas ng matanda ang kamay niya sa hangin
sinusubukan niyang akong kapain.
Sobrang bilis ng kamay niya di pangkaraniwang bilis
parang pinapanuod ko na lang siyang habulin ng kapa ang katawan ko .
Napakalaki niyang tao nasa 6 footer, malapad ang katawan
pang balibagan, nilipasan ng panahon
pero may hubog pa ang mga balikat,
bagsak na ang mga laman
pero makikita mo pa din na dati syang maskulado.
Nakita ko ang tattoo niya sa kaliwang braso hugis tatsulok
at sa loob ng tatsulok may nakasulat SENIRAM .
Sa sobrang kaba ay natumba ako .
Napaupo ako .
Nagsimula na syang humakbang paabante sa aking direksyon
kaya humahakbang ako paatras habang nakaupo
at sa sobrang takot ko pati mga kamay ko sumasagwan paatras.
NAPAKALAKI ng hakbang niya triple ng sa akin.
"ANAK NG TOKWA!" Maaabutan na niya ko.
Paglapat ng aking kanang kamay sa tiles na nasa aking likuran
ay may nakapa akong paa
"Wala na akong takas" harap at likod may tao.

BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Misteri / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan