Second Night: X

4 0 0
                                    

Hinipan ko ang apoy ng palito

binali ko ang bwisit na kandilang hawak ko

At binitbit ang mesang mala-altar na may nakatirik na kandila,

Umakyat na kami sa pang anim na hagdan

Sa palagay ko ay ito na ang huling hagdan.

Dahan dahan ang bawat hakbang

pParang tinutungo namin ang aming kamatayan

Muling sumisikip ang aking paghinga

parang may nakadagan sa aking dibdib.

Nangangalay ang magkabila kong braso

parang bumibigat ang santo.

napakabigat hindi ko na kayang panindigan

"tulungan mo ko pre"

Kahit si Malik hindi rin kaya

Inihagis ko ang mesa pababa

Nasira ang mesa sa bigat ng pwersang humihila

bago mamatay ang kandila nakita ko ang anino ng santo

nakapagtatakang nakatayo ito.

Nakakatakot umakyat pero mas natatakot na akong bumaba.

Iilang hakbang na lang naman ang natitira

Kinapa na lang namin ang mga baitang ng hagdan.

Nakakapit si Malik sa aking balikat

Isa,dalawa,tatlo ,apat na hakbang

Narating na namin ang tuktok

Walang altar

Walang pinto sa kanan

Pero mayron sa kaliwa

"wag mong buksan tol..."


Napatingin ako kay Malik

Kinakabahan ako sa kanya.

Sya yung tipo ng duwag na tatakbo na lang bigla sa takot

baka bigla niya akong iwan

"Tumalon na lang tayo sa bintana"

"sa palagay mo mabubuhay tayo pag tumalon tayo?

tsaka asan yung bintana? Kapain mo bahala ka pag may iba kang nakapa"

ibinukas ko ang pinto sa kaliwa at gumawa ito ng munting ingay


may matang gumalaw at tumingin sa direksyon ng magkaibigan


Sa takot ni Malik ay ayaw niyang sumama sa akin na pumasok sa loob ng silid

"Walang laman"

Walang laman ngunit may dalawang pinto sa loob ng silid

Isa sa harap ko at isa sa kaliwang pader

Wala akong tiwala sa pinto baka biglang sumara at hindi ko na mabuksan

Wala din akong tiwala kay Malik baka magulat siya 

at biglang mabitawan ang pinto

at bigla itong sumara at hindi ko na mabuksan.

Maliit naman ang kuwarto sa sobrang liit

pwede kong iwan ang kanang paa ko pangkalso sa pinto

upang hindi sumara habang ibinubukas ko ang pinto sa harap

nang ibukas ko ay wala ding laman kagaya 

ng pinakaunang pinto na ibinukas ni JZ.

Muli ko itong isinara .

Inabot ko naman ang pinto sa kaliwang pader.

Nangangalay na ang aking kanang binti

pilitin ko man ngunit hindi ko abot ang door knob ng hindi

inilalapit ang buo kong katawan kasama ang dalawang binti.

nilingon ko ang nanginginig sa takot kong kaibigan

wala akong pagpipilian kung hindi magtiwala

sa hindi katiwa tiwalang pag iwanan ng pinto sa isang madilim na lugar

napakaduwag pa naman niya

"Malik! Pumasok ka dito"

"Ayokong sumama diyan sa loob"

"Hindi ka papasok kasama ko. Harangan mo lang yung pinto para di sumara"

Sumandal na si Malik sa pinto at nakatingin sa kawalan habang bumubulong ng panalangin.

Pagbukas ko sa pinto sa kaliwang pader napapikit ako 

dahil sa liwanag ng kwarto.

Dahan dahan bumukas ang aking mata

nanibago kasi ang mata kong lunod na sa dilim.

Tumambad sa akin ang isang kama.

May nakaratay na tao

parang kanina pa nakahintay ang mga mata niya sa amin

Parang kwarto sa hospital ngunit napakaliit din kagaya ng ibang silid.

Lumibot ang aking mga mapagmasid na mata.

Alam ko ang laro ng kwartong ito

Unang una sa lahat ang drawer

Hindi mabubuksan ang mga pinto ng drawer dahil 

nakaharang ang kama lalo na yung sandalan ng ulo

May kataasan ang sandalan ng ulo ngunit mas mataas ang drawer

kaya maaaring mabuksan ang dalawang pinakamataas na pinto

ngunit hindi na mapapakialaman ang ibang pinto  drawer 

ng hindi hinihila ang kama palayo dito.

Hindi maaring iusog ang kama papunta sa gilid 

dahil magkabilaang gilid nito

ay may tig tatlong naka-kalsong plato ng barbel

ngunit kapag hinila mo naman ang kama palayo 

o paatras sa drawer ay gugulong ang mga platong bakal

na magpapaandar ng mekanismo para ano?

sumara ang pinto? Kung tama ako

imposibleng hindi maglalagay ng lagusan palabas ang may ari 

dahil paano kung aksidente syang nakulong sa kwarto? 

Wala makapagliligtas sa kanya dahil walang signal sa loob.

Wala din kuryente at ilaw maliban sa kwartong yaon.

May parisukat na butas sa sahig malapit sa kaliwang paa ng kama

Madilim ang butas na iyon kasya ang isang balingkinitan.

Siguradong diyan ako dadaan para makatakas dala 

ang lahat ng mayroon ang pamilyang ito

lihim man o kayamanan

Sa totoo lang hindi ko din alam kung anong mayron sa butas na iyon.

Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon