Tig isa kaming grupo na pinagsama para maging iisa
Isa para sa misyon
misyon na kuhanin ang bagay na hindi
para sa amin.
Lulan ng isang van
Apat na miyembro sa amin
At lima sa kanila
Ako ang lider ng apat
si Jigs sa lima.
Napagkasunduan namin na sama-samang pasukin
ang isang bahay na puno ng matatandang pensiyonado.
Sa aming misyon
may maliit na kurot sa aking puso
pagkat ako'y laki sa mga kwento ni Lola.
Ngunit agad itong napawi ng aking sabik sa mabilis na salapi
hindi pinag trabahuhan
subalit pinag hirapan din naman.
Malaki ang tiwala ko sa aking sarili.
Mahilig ako sa mga komplikadong trabaho.
Maabilidad ako bilang isang lider
kaya kahit isa lang sa tatlo ng aking miyembro ang buo ang loob sa akin
ako ang naging pinuno at wala silang nagawa.
Tumutunog ang Huling EL Bimbo ni Eli
Habang nag mamaneho sya
sinasabayan ng mahina ni Shewi
ang awitin
"kamukha mo si paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galling galing."
Nakatingin ako sa kanya parang
pupunta lang ng field trip.
Sa likod ng driver's seat
kumakaluskos ang pakete ng sigarilyo
nilalamukos ni Sabog
naubos na kahihithit.
Wala ng supply ng ICE .Kating kati na makarating sa bahay ng matatanda.
Pinagpapawisan kahit naka aircon.
Sa lima nilang miyembro
Tatlo sunog na ang kaluluwa sa impyerno
Sa tindi ng bisyo
isa sa bato,
yung pangalawa sa sugal,
at si Kurimaw sa alak at bebot.
"Anong oras na?"
"alas tres na" pahikab na sagot ni Malik.
Malayo talaga ang Paranaque sa QC.
Ang iba samin galing pa ng bulacan.
Naramdaman ni Tano
ang aking pagkainip.
Mula sa aking likuran
sa kanan ni Sabog
Tinapik niya ako sa balikat
"Ayun Oh!" Tumuro sa harapan.
Yumuko ako para sipatin.
Nakita ko ang isang malapad na bahay
parang sa Amerika mo lang makikita ang ganung disenyo ng bahay.
"Susyal"
Dalawampung hakbang ang layo sa amin
Sa tingin pa lang alam kong ito'y may dalawang palapag.
Walang bantay at may mangilan ngilang damo sa magkabilang gilid ng bahay.
May kaunting kalayuan ang ibang bahay
Kakailanganin pang tumakbo (bagay na hindi na nila kayang gawin) para humingi ng tulong
kung sakaling magising ang matatanda.
'Wala silang pag asa' tugon ko saking sarili
Sa mga tinrabaho namin
Lagi kaming mabilis kumilos
para hindi mahuli,
hindi maabutan ng liwanag
at para hindi makaramdam ang may ari.
Sa pagkakataong ito mas relaks kami ng kaunti
Pag baba namin inilabas at sinuot ko ang aking brown long coat na leather.
Isinuot ko rin ang sombrero at medical face mask.
Tig isang guwantes bawat kamay
"oh wala pa tayong nakukuha SABOG ka na!" kantsaw ni Piso.
ang sugarol sa lima.
Piso ang tawag sa kanya dahil
kahit pinaka huling kusing na hawak niya
itataya niya sa sugal.
Tinignan ko lahat ng miyembro
tinago ni Malik sa palad niya ang face mask.
Alam kong nahiya siya
baka pagtawanan din sya.
Alam ko yung dalawa kong ka-grupo meron din pero nakatago sa bulsa.
Actually, sinabihan ko rin ang grupo ni Jigs
pero lahat sila hindi nakinig kahit lahat umoo.
"diba sabi ko may sumpa? Hindi nila dapat makita ang mukha natin!"
Nilampsan lang ako nila Tano at Mamuro
Napayuko si Malik na dumaan sa harap ko
Kahit ako hindi naniniwala sa mga kasabihan
at kung ano ano pang paniniwala ng mga matatanda
Pero pinanghawakan ko lahat ng mga sinabi ni lola
at tsaka walang namang mawawala para din naman
'to sa seguridad namin.
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Misteri / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan
