First Night:IV

19 0 0
                                    

 Tumingala ako si Sabog lang pala ang tao sa aking inaatrasan. 

Nakasandal siya sa 

pader kung nagkataon wala na pala akong maatrasan. 

Huli na sana kami pero biglang umatras 

ang matanda kaya muli na akong nakatayo

Nilingon ko si Sabog "Muntikan na tayo" bulong niya .

Magkadikit na ang aming katawan

Nakahinga na kami pero hindi ko gusto ang direksyon ng matanda

papunta siya sa pindutan ng ilaw!

Hindi niya pinindot bagkos ibinukas niya ang pinto at akmang lalabas.

Lumiwanag ng bahagya sa loob ng banyo 

dahil bukas na pala ang ilaw sa pasilyo

"Put*" sa takot ni sabog

Makikita na niya kami dahil sa liwanag .

Nakatalikod ang matanda sa amin at biglang humarap

para lang pala hilahin ang doorknob pasara

Nakita ko ang mga mata niya'y kulay puti pareho

"bulag pala si gag*" mayabang na bulong ni Sabog.

Bago sumara ang pinto ay may kakaiba sa kanyang labi

parang may napakaliit na ngiti at ismid na pinagsama

na kung hindi ka mapagmasid at malalim 

ay hindi mo makikita sa sobrang tipid.

Nagtama ang itim ng aming mga mata

HINDI SYA BULAG! Ang bulag hindi makikipagtamaan ng tingin. 

Parang nasa kawalan at walang katapusang dilim ang mga bulag. 

Wala silang focus! Hindi sila titingin at magfofocus sa isang bagay o

diresyon dahil wala silang nakikita!

Naninigas ang katawan ko.

Yung ngiti niyang parang may masamang pangitain

tila ba nahukay na ang paglilibigan sa amin.

Bakit nagpanggap syang bulag? Bakit hinayaan niya lang kami?

Tuloy na ang ligaya ni Sabog "Gag* may nakita ako dito. 

May cocoa na TAYO!"

Nakita nyang seryoso ako kaya "AKO lang pala sabi ko nga eh"

"hindi sya bulag."

"ano?"

"Sabi ko hindi siya bulag!"

"ukin*m tol sabog ka???"

"hindi mo ba nakita tinignan niya tayo!"

"Anong pinagsasabi mo? Imagination, edi sana hinagis nya tayo!"

"UNANG UNA PA LANG BAKIT MAGBUBUKAS NG SWITCH ANG BULAG?"

Napalunok ako "Cocaine yang hawak mo! Yung tattoo nya SENIRAM .... SENIRAM?

 MARINES yon!

cocaine... endurance drug yan ng mga lumang sundalo 

bago pa gamitin ng mga adik na kagaya mo."

Walang sense kay Sabog ang mga sinasabi ko kaya  

"umalis na tayo dito" yaya ko.

Teka ........... "Sinong nagbukas ng ilaw sa pasilyo?" 

usapan namin walang magbubukas ng ilaw

"RAPE! RAPE!" May sumisigaw sa kabilang dulong kwarto

boses ng matandang babae.

Paglabas ko ng pinto nagkauntugan kami ni Lapis

tumama ang noo ko sa baba nya.

Napapikit ako sa sakit. 

Nagdilim ang paningin ko parang sirang tv na walang signal.

"Pre tutuluyan ko na to!" rumadyo si Jigs

Hindi agad ako nakasagot sa sakit ng ulo ko

"Pre wala tayong papatayin wag mong barilin!"

Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon