Mas lalapit ako sa pinto ng silid.
Amoy kabaong, yung tela sa loob nito.
Nakita ko ang kanyang mukha
Napakaganda,nagliliwanag
Maaliwalas kahit nakaratay sa sakit
Napakakinis ng kanyang balat
Parang dudulas ang alin mang kamay na hahawak
Sa paningin ko'y sarili kong kamay ang dumudulas sa kanyang makintab at mainis na balikat.
Maputi at Halatang hindi nasisikatan ng araw.
Parang diwata na maganda at mahaba ang buhok
ngunit medyo tuyo ng bahagya.
Nangungusap ang kanyang mga mata.
Ang kanyang katawan tila walang lakas bumangon
halatang matagal ng nakababad sa higaan.
Binawi ko ang aking atensyon
dahil salapi ang ipinunta ko doon hindi pag ibig at anumang pantasya
Gusto kong kunin ang lahat ng kayamanan sa loob ng kwartong iyon
Hahakbang pa lamang ako sa bakod na hanggang tuhod
na nakaharang papasok ng kwarto
ay kumunot na ang kanyang mga kilay
kaya muli kong ibinaba ang aking paa at hindi na muna humakbang sa bakod
"Pwede ba akong pumasok? Kukunin......
May kukunin lang ako tapos lalabas na ako kaagad,Promise"
Muling umaliwalas ang kanyang mukha tila may pag anyaya
at pag tanggap na ako'y pumasok
ngunit ako naman ang walang tiwala.
Pakiramdam ko kapag pumasok ako sa kwartong iyon
ay hindi na ako makakalabas kailanman
kaya imbes na pumasok ako at kunin ang lahat ng mayroon sa loob
hindi na ako humakbang sa bakod
bagkos tiningkayad ko ang aking kanang paa
at ipinasok ang kalahati ng aking katawan
upang abutin ang dangkal ng salapi na nakabalot ng translucent
na brown paper bag na nakapatong sa kama nasa tabi niya.
Wala akong tiwala sa kanyang pagiging tao.
Naiisip ko na baka pag naabot ko na ang pera sa tabi nya
ay bigla syang magpalit ng anyo at maging mabangis na nilalang
at tsaka ako sunggaban.
Nakakapagduda ang sobrang kagandahan.
Kinakabahan man ako
pero hindi ako pwedeng umalis ng walang nakukuha
kaya inabot ko pa din.
Tinatawag ako ng aking pagkahayok sa salapi
tila hindi ko na makilala ang aking sarili...Hindi ako to hindi na ako to.
Parang hinihigop ako papasok ng kwarto.
'Kilala ko ang aking sarili hindi ako madadala ng kung ano mang presensya'
Dahan dahang inaabot ng aking kamay ang dangkal ng salapi.
May pag aalinlangan ang pag tungo ng aking kamay ngunit tuloy tuloy .
Ang pagbuga at paghigop ng hangin ay bahagyang dumahan dahan.
Nang mahawakan ko na ay batid kong maaari na akong lumisan
subalit hindi ko mawari kung bakit ko pa binitiwan.
Naaninag ko ang kanyang pagtitig sa akin
parang may gusto syang sabihin.
May lungkot sa kanyang mga mata.
Pinigilan kong direktang tumingin sa kanyang mata.
Tinitigan ko sya sa gilid ng aking mata.
"Tol bilisan mo!"
Dahan dahang dumudulas ang mga paa ni Malik
itinutulak sya ng pinto paabante.
Pinaglalabanan niya ito pero bumibigat ang pintuan
May pwersang humihila
para ito ay tuluyan ng sumara
"Tol! Sumasara yung pinto!bilisan mo!"
Imbes na magmadali sa pag alis ay humakbang papasok
ng silid na lubos na ikinagulat ni Malik.
Nanlaki ang kanyang mga mata
"anong nangyari?" pagtatanong sa sarili
Lumingon pa ang matalik na kaibigan bilang huling paalam
at tuluyan ng itinulak si Malik ng pinto.
upang ito'y magsara
Walang ingay na ginawa a.ng pintuan
tila may lihim
na ayaw ibahagi.
Ang pintuan ng bahay ang saksi
sa lahat ng pumasok ,lumabas at hindi lumabas dito.
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Mystery / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan
