Second Night: V

10 0 0
                                    

Sa labas pa lang ng Kolehiyo ay napakarami ng tao.

Akala mo ay mga langgam.

Akala mo ay mga gamo-gamo

na kapag pinatayan ng ilaw ay maglalaho.

Subalit sa amin ito ang pagkakataon na makapasok sa Shenna

ng hindi kaduda duda.

Naghalo ang iba't ibang tao, may papasok at palabas.

Papasok para maghintay

palabas para balikan ang mga naiwan

Iilang kategorya lang ang mga bisista sa Music Festival kasabay ng intrams.

Magulang , katiwala o kasambahay , mga mag aaral ,kapatid ng mag aaral,at mangilan

ngilang gate crashers kagaya namin .

Ang karamihan ay Kolehiyo at may iilang elementarya at Highschool kasama ang kanilang

tagapagbantay.

Dumog na ang gate kung saan nakabantay ang nag iisang guwardiya.

Ang pangalawang guwardiya ay pinapaayos ang mga nakapasok sa waiting shed

sapagkat hindi pa oras ng event.

Mayroon ding tagamasid sa kaayusan at kapayapaan na may dalang

maiksing arnis na may taling naylon bilang panabit sa kamay.

Nakapila na kami upang makapasok.

Napansin ko na kada dadaan sa guwardiya ay inaabot ang kalahating pilas ng tiket.

"Pano yan wala tayong tiket" malapit na kami sa guwardiya

Apat na estudyante , mga babaeng miyembro sa unahan si Mitch ,si Lauren tapos ako na

at sa likuran ko sila Malik at ang iba pa.

"Ooh..." inabot sakin ni Lauren ang ticket "napaghandaan kaya namin to."

Matapos ang kalahating oras ay pumatak na sa alas onse ng gabi

Nakahalo kami sa mga estudyante naglalakad papasok ng Social hall-

ang mala mini araneta collesium ng Shenna.

May naka-elephant pants nagpapatutog ng walkman at kumakanta

ng malakas na akala mo nabili niya ang daan

"Andale andale mami iya iya uh-oohhhhhhhhhhhh!"

May mga babaeng naglalakad ng nakahelera na akala mo mawawala kapag nagkahiwahiwalay,

May mga bilog at pahabang lobo,

Mga naka-costume at naka-wig,

Mga nakasibilyan,nakaporma,naka P.E. uniform at school uniform pero lahat sila may i.d.,

Mga Nabebenta ng snacks kagaya ng popcorn,hotdog at mga pika pika at

Meron ding mga souvenirs at stuffed toy.

Ngayon lang ako nakapunta sa ganito

pakiramdam ko isa akong mag-aaral na isang munting pangarap sa sulok ng aking isipan.

Naiinggit ako kapag nakakakita ako ng naka school uniform .

Kanya kanyang kwentuhan ang mga papasok sa Social hall.

Kanya kanyang pormahan. Iba't ibang pabango.

Gumagala ang aming mata dahil iba ang aming sadya.

Pagpasok namin ng Social Hall ay agad din kaming lumabas sa fire exit

Matatanaw mo na ang napakataas na torre.

Naglakad kami ng naglakad patungo sa sulok ng paaralan

na hindi masyadong pinupuntahan ng mga mag aaral may okasyon man o wala

May pasok man o wala.

Walang poste ng ilaw.

Puro patay na dahon sa lupa.

Nakahiwalay ang oblaks

Sa ibang gusali at may sariling  bakod.

Sabi nila hindi na ito maaring pasukin

sapagkat anumang oras ay maaring gumuho ang mga pader nito

maaring kunan ng larawan ngunit hindi maaring lapitan o pasukin

ng mga walang awtoridad.

Isa itong pribadong pagmamay ari.

ipnreserba at hindi na ginalaw sa pagkat parte daw ito ng kasaysayan.

isa daw itong lumang silid aklatan ng mga prayle at iskolar.


Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon