Sumama lang ako sa raket na to dahil inisip ko
na parang kukupit lang ako sa aking lola.
Ayokong pumatay ng tao mas lalong hindi kung matatanda.
Nagsipulasan na kami .
Nagsilabasan ng kwarto.
Anim ang nasa pasilyo na.
Maliwanag na ang buong bahay .
Nakita ko si Jigs lumabas ng kwarto may dugo na ang damit niya.
Napa iling ako "hindi tama yun!"
Para kaming mga ipis na ini-sprayan ng baygon
Lahat kami papuntang hagdan.
Yung pintong pinaka malapit sa hagdan nakabukas.
Lumabas si Seniram .Siya yun! nakita ko yung tatsulok na tattoo.
Isa pala syang Kano. Napakalaki niya talaga.
Bago ang una kong hakbang sa hagdan napahinto ako.
Tumingin din siya sa 'kin this time hindi sya nag-maangmaangan na nakita niya ako.
Direkta syang tumingin sa akin.
Maingay sa kwartong pinanggalingan niya.
Lumabas ang matandang babae maliit nasa 4'11
At halatang ulyanin na nakasuot ng kupas na daster
Hindi na ako tuluyang nakahakbang
nung makita ko si Piso nakikipagpambuno
at nakahawak sa balikat ng isang matandang babae
May pagka malaman kaunti ang matandang babae,
maiksing maalon ang buhok at matangkad nasa 5'7.
Sa itsura niya makikita mong masalapi
ang matandang babae na ito.
Nakakapit si piso sa magkabilang balikat ng matanda
dahil inaatake siya nito.
Nakakapit ang lola sa magkabilang pisngi ni Piso
habang malakas na ibinibigkas ang
kung anong hindi ko maintindihang linggwahe
tila Baybayin (isang lumang linggwahe bago pa ang kastila)
napakalaki ng buka ng bibig ng lola at nanlalaki din ang mga mata.
Napanganga si Piso.
Nagigimbal siya sa ginagawa ng matandang babae.
Napahinto at napalingon din si Sabog
na nakaisang hakbang na sa hagdan.
Hindi namin maintidihan kung anong nangyayari.
Tumatakbo si Jigs galing sa aking likuran.
nagka ipon ipon na kaming tatlo sa tapat ng hagdan.
"Pre! Mga pre lumabas na tayo ! atras na atras!"
tsaka pa lang silang lahat nakapag isip na sumibat na.
"PRE!......PRE!" sinigawan ko ulit ng malakas si Piso
Doon pa lang nabawi ang atensyon niya at nilingon na niya ako.
"Tumakas na tayo!"
Lahat kami nagsibabaan sa hagdan at lumabas ng front door
Magbubukang liwayway na pala.
"Ano yon?! Anong nangyare?!!! " buhat ni Tano
ang isang makalumang bag na itim.
"Sabi ko sa inyo may sumpa!.....may sumpa talaga!!!"
Lahat sila napapatingin sa akin
na tila ba wala ako sa hulog habang
hindi pa din mailarawan ang mukha ni Piso
parang nagugluhan pa din sya sa ginawa ng matandang babae.
"Ayaw nyo kasing makinig!"
Nagkatinginan kami ni Jigs.
'di ko mapigilang ipakita ang pagkadismaya ko
sa dugong nasa damit niya.
Lahat kami bad trip na.
Nasira ang diskarte namin.
Pasakay na kami ng Van.
"Jigs, pati ba naman Lola pinatos mo?" pang aasar ni Sabog
"ulyanin na yung matanda na yon eh."
Malamang biktima yun ng mga hapon.
"magpagpag tayo....baliktarin kaya natin mga suot natin?"
"sabi ko sa inyo wag kayong magsama
ng di natutuli eh" patutsada sa akin ni Kurimaw
Lumabas si Shewi ng van para sabihin samin "mga tol ayaw mag start"
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Misterio / SuspensoGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan