Second Night: VIII

4 0 0
                                        


Padilim na ng padilim

Namatay ang isang kandila sa altar,pangalawa,pangatlo,pang apat

at panglima .Isa na lang ang natira yung pang anim.

Tumakbo pababa sila Mitch at Lauren dala ang nag-iisang flashlight

"Tayo na lang" yaya ko kay JZ na umakyat

"teka!"paghahabol ni Jam kila Mitch

"pare dina tayo makakatuloy niyan bababa kami para kumuha ng ilaw"

"Sigeh" kinuha ko ang nag-iisang may sinding kandila sa altar.

Humabol na sila JZ at Jam kila Mitch pababa.

"tara na" tumuloy na kami sa panglimang hagdan.

May kakaibang dilim sa lugar na ito

parang mabubulag ka sa sobrang dilim.

Kakapain mo na lang ng sapatos ang baitang ng hagdan para makaakyat pa.

Tanging kamay lang ang makikita dahil sa tama ng kandila.

Dinadaga na ang aking mga kasama

Halos dumikit na ang katawan ni Malik sa akin

Natatakot na sila habang nasa kalagitnaan kami ng panglimang hagdan

Nagsisiksikan kaming tatlo sa baitang ng hagdan

sabay sabay kami ng hakbang

kahit na isa't kalahating tao lang talaga ang kasyang magsabay dito.

Ayokong aminin pero natatakot na din ako

paano kung mamatay bigla ang kandilang hawak ko?

"Pano kung mamatay yung kandila?" nangangambang tanong

Siniko ko si Malik "wag kang magulo... Walang magsasalita simula

ngayon baka mapatay ng hininga natin ang kandila."

Ano ngang mangyayari sa amin pag namatay to?

Mawawala na lang kami sa dilim?

Bakit parang humahaba ang hagdan?

Habang pataas kami ay mas humahaba ang hagdan

Pagkatapos ng panglimang hagdan ay nasa palapag na kami

Naubos ang lakas naming tatlo

Namamanhid na sa pagod ang aking mga paa

Alam ko na ganun din sila.

Nag-uusap na lang kami mata sa mata

Habang tumataas kami napansin ko din na pasikip ng pasikip.

Walang pinto sa kanan wala din sa kaliwa

May altar uli at anim na kandila

"Anim ulit?" bulong ni Mamuro

Bloody Mary,Emily Rose,Dracula,I can see dead people. Ano ba 'tong naiisip ko?

"6" tugon ko

"6" tugon ni Mamuro

"si" tinakpan ko ang bibig ni Malik

Wala namang hangin pero parang hinihihipan 

ang apoy ng aking kandila

Sumasayaw ito papunta sa kanan at kaliwa

parang kumukurap kurap ang liwanag ng apoy.


Nakalabas na ng torre sina JZ

kaya nagtaka si Albert

"Prof , hindi na talaga namin kayang umakyat"

Hinihingal at pawis na pawis sina JZ,Jam,Mitch at Lauren

Magkayakap ang dalawang babae

Nakabukas pa ang bibig ni Mitch para maghabol ng hininga

"Asan yung tropa ko?" tanong ni Tano

"Bumili ka daw ng posporo sabi ni Micheal Jackson" utos ni JZ

"Aakyat ako"

"Wala ng ilaw yung mga kasama mo kandila na lang ang hawak nila"

Nagkatinginan si Albert at si JZ

"Andun sa Gate may nagtitinda" turo ni Albert


Namatay ang aking kandila

Buti na lang at may anim na kandila sa altar para magbigay ng liwanag

"Tutuloy pa ba tayo?"

"Muro,papa-operahan yung nanay ni Tano"

Nagkakatinginan na .

Nagkakatimbangan na.

"Bumaba ka na......ikaw din Malik"

Hinugot ko ang isa sa mga nakatirik na kandila 

at saka inabot kay Mamuro

"Sige na........Sabihin mo kay Tano dalahan ako ng ilaw"

Hindi ako iniwan ni Malik

Parang bumigat ang loob ko sa pagkadismya

at pasasalamat na mayrong tao na hindi aalis sa tabi ko

yung taong duwag pa.

Hindi nya ako ipinagpalit sa karupokan ng loob niya.

Ganun ang timbang ko sa kanya.


Two Nights    (Nervous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon