Nagkita kami ni Malik. Umaliwalas ang kanyang mukha.
Sobrang tagal kasi naming di nagkasama.
Sinuntok nya ako ng mahina sa kanang balikat
Sabay apir
"TOL!"
Sabay na kaming lumapit sa van na naka-park
sa playground sa Amoranto
Nag slide ang pinto ng van
lahat sila nakatingin sakin.
Parang may naamoy ako sa lakad namin.
Naka sibilyan silang lahat tapos ako
eto nakagloves na shiny silver , nakajacket na itim
v-neck shirt sa loob, pantalong kapos sa haba,
sombrerong paikot ang visor na kulay itim kagaya ng kay Micheal Jackson.
Itim na sapatos na balat at may malaking pink na ilong ng baboy
Sobrang wala sa hulog kasi dapat mag stand out.
"Ayos tong kaibigan mo ah! " tapik ng maedad na lalaki kay Malik.
Nahiya naman ako kaya nag palit ako
ng sapatos na balat yung purong itim na.
"Gusto ko yan.. Gusto ko yan."bati nung maedad na lalaki
na sa palagay ko ay nasa leyt portis.
Pagpasok ng van andun pala si Tano at Mamuro.
Wala imik para akong estranghero.
Nag gagayak na kami sa pag alis.
Yung dalawang babae nag pupulbos sa maliit at bilog na salamin
may mga pasaway na ngiti sa kanilang labi.
Alam kong iyon ay para sa akin.
Yung iba nagmamasid.
Ako nag aayos ng bag at gamit.
"Lider nyo yan?" tanong ng isang maitim na lalaki
Tumango naman si Tano
"OO LIDER NAMIN YAN" buong pagmamalaki ni Malik
"bakit JZ may duda ka?"
"Wala naman Prof. kyut kasi ng sapatos eh" nakaka loko ang ngiti niya
"Wag mong niloloko yan. Yung mga ganyan kumakana yan.
Prof Albert o Albert miski alin dyan pwede mong itawag sa akin."
Tinawag nila akong lider tama nga ang iniisip ko
hindi simpleng costume contest ang pupuntahan namin.
Hinihintay ko ang tingin ni Malik pero sadyang hindi sya tumitingin
alam niyang sisitahin ko sya sa pekeng imbistasyon.
Itong Mang Albert na toh mukha syang manager ng prostitusyon o
kaya lider ng sindikato
O di kaya ay pinuno ng relihiyon
na walang ibang ginawa kung hindi manghingi ng donasyon
O magbenta ng bimpo,palaspas at walis tambong may milagro daw.
Siya ang pasimuno walang duda.
"Intsek ikaw ang look out.... kayo ni Sam.
Maiiwan ka sa van habang kami papasok sa Oblaks.
Ikaw Sam sa labas ng Fire exit"
Oblaks yun yung tatlong gusali na bawal lapitan at pasukin.
Dalawang malapad at mababang gusali sa gitna nila
ang isang napakataas na mala-torreng gusali.
Nagkakatinginan kaming lahat
kahit hindi direkta alam namin
ang lumang kwento,
ang mga bulung bulungan,
tungkol sa tagong Yaman ng mga Ong.
Isa sila sa mga pinagkatiwalaang magtago
ng mga hinahabol na yaman ng Pilipnas
mula sa sindikato at politiko.
Isang lumang kwento na walang pinagka iba sa kuro kuro
Walang patunay at kasing luma ng kasaysayan.
Hindi lahat ng yaman ay itinatago sa bangko
yung iba ipinapalit sa ginto at itinatago sa Tsiti-tsiti.
Yan ang mala bangkong systema ng mga Tsino
ngunit walang dokumento .
May ibinibigay lamang silang susi o di kaya numero.
![](https://img.wattpad.com/cover/127089497-288-k94569.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Misteri / ThrillerGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan