Tumabad kay Antonio
Ang isang taong duguan
Walang pag asa
Walang lakas tumakas.
May Kagat sa leeg
Pa-oblong ang helera ng ngipin
Maliliit pero mukhang malalim ang baon
Mga kalmot sa kaliwang bahagi ng mukha
Umabot hangang sa talukap ng mata
"Bakit?"Gusto kong magalit
pero nakaramdam din ako ng awa.
Mamamatay lang silang dalawa kung magkasama
Binawi ni Antonio
Ang katawan ng bunsong kapatid
Malamig pa sa bangkay
At mas nanghihina
Paubos na ang hininga
Sa huling pagkakataon sinubukan kong gumapang
ngunit humarang ang malapad na mga binti ni Antonio
Isang malalim na saksak sa aking dibdib
"Lord God is With me"
"Lord God is With me"
"Lord God is With me"
Kahit na sino kapag nahihirapan na, sya ang tinatawag
sa huling pagkakataon.
Napakasakit parang dinurog ang aking puso.
Napakakirot parang tumagos sa aking likod.
Tumingala ako sa Langit
bagay na matagal ko ng hindi ginagawa.
Pilit humigop ng hangin
para bigkasin
"Panginoon, Tulungan mo po ako"may kasamang pagtangis.
Napakabuti niya,
Madalas tayong makalimot
pero kahit kalian hindi niya tayo binibitawan.
Naniniwala ako sa kanya.
Alam ko na may tampo ako sa kanya
subalit sa aking puso hindi namatay ang paniniwala ko sa may likha.
Wala akong magawa.
Tumungin na lamang ako sa lupa
sa sobrang panghihina
at tsaka humabol ng tingin sa napakagandang dalaga
Narinig ko ang kanyang pag luha
katulad ng sa pawikan,iyak ng sirena
tangis ng pag mamahal at pag durusa.
Gumagana ang aking isip
pero hindi na ang aking katawan.
Ang sumunod
wala na akong ibang nairirnig
kundi ang sunod sunod na hampas ng pala sa aking bungo.
"ilubog mo na yan!" Sigaw ni Antonio
Sinipa ng isang lalaking nakaitim na jaket ang drum.
Gumulong gulong ito sa buhanging batuhan
Inihian niya ako sa mukha
Ibinukas ko ang aking bibig para maghabol ng
isang mahabang paghinga
subalit isinubo niya ang balat niyang sapatos sa aking bibig
Ramdam ng aking dila ang mga dumi nito sa ilalim
Ang lider ng grupo ngayon ay mistulang pusang inaalipusta
Hinahalo na ang semento
Gamit ang palang may buhok at dugo
"PAALAM " tuluyan ng dumilim ang paligid
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Misterio / SuspensoGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan