"Ayaw niyo maniwala? Eto hawakan mo yung pera.Nagtitiwala ako sa inyo kaya sana ganon din kayo"Pagkukumbinse ni Albert
Nag start na ang van.umilaw ang dalawang ilaw sa likod ng sasakyan.
Nakabukas pa din ang bintana sa gilid ni Tano na tinatanaw si Albert.
Nanginginig pa din si Malik
Nagpamulsa si Albert at tumalikod sa kanila na patungo sa direksyon ng gusali.
"Sandali Lang" tugon ni Tano
Gumalaw ang magkabilang tenga ni mang Albert ng madinig ang boses niTano
na humuhudyat na sa tangka nitong pagtutol.
Walang planong tumigil si JZ bagkos akma ng haharurot
Nag-aalala na ang dalawang babae sa mga nangyayari.
Naglaho sa dilim si Albert at tumuloy sila sa pag-andar.
"Hintayin niyo kami!"may biglang humabol
Lahat nanigas ang katawan sa nakita
Nagtago si Malik sa likuran ni Tano
"Pare, ano yan bakit nagdala ka ng regalo?"
Pasan niya sa likuran ang isang babaeng maputla ngunit napakaganda.
Sa harap niya bitbit ang busog na bagpack .
"May dala kong cash"
Dalawang kamay niyay nakaalalay sa magkabilang hita ng babae
Habang hila din ng kanang kamay ang isang berdeng tangke ng hangin
Sa kaliwang kamay ay may hawak ng attaché case
"Isasama ko siya"
Lumayo ng kaunti si JZ sa puwesto ng dalawang babaeng miyembro
"Dalhin natin yan sa dilim kosa" sulsol pa nito
"ayoko"
"Dalhin natin yan sa dilim walang magagawa yan .
Yung isa hawak sa kamay tapos yung isa sa paa.Dun oh sa dilim"
Nagusot ang kilay ng babaeng bitbit kitang siya'y may pagtutol
saka nalungkot at
mas nangibabaw sa kanyang mukha na nag aalala
"Hindi pwede hindi kami ganyan tol"
Nag isip saglit si JZ at pinapasok ang dalawa
Malayo layo na rin ang kanilang natumbok na daan.
Sa loob ng van naririnig ang paghinga ng babae
hindi na komportable ang ibang kasama
Ta**-**a iba pakiramdam ko dito ah.
"Teka baba tayo para flat yung gulong iba yung andar eh..."
Lumayo ng kaunti at may tinawagan si JZ
"Prof,"
"Anong problema?"
"humabol yung isa may dalang cash"
"Oh"
Napalunok "May dalang bebot maganda gusto ko nga dalhin sa dilim .Mukhang may sakit"
Napailing "Iwan nyo yan" madiin na madiin ang pagkabigkas
"Bakit, Prof?"
"Basta iwan niyo yan.Bilisan mo! Magkita tayo sa usapan"
Ibinaba ang selpon "Pasok na aandar na tayo"
Hinarang ni JZ ang kasamang may pasan
"Pare, hindi kami magsasakay ng pabigat tsaka pampasikip lang yan eh.
'Di na tayo kasya" pagtutol ni JZ
"Hindi kasya eh nakasakay na nga kami kanina"
"Hindi na ngayon"
"Iwan mo na yan tapos sumakay ka na dito" utos ni Intsek na nasa manubela
"Hindi pwede pare mamatay siya dito"
"Akin na yung bag." utos ni JZ
"Ayoko nga!"
Nadismaya si Tano
"Akin na sabi!"
"Kung hindi ninyo siya isasama hindi ako sasama."
"Ahh ganon? Hawakan mo pre."
"tama na yan" awat ng mga babae
"hawakan mo sabi!! HINDI MO HAHAWAKAN?!"
Bumaba si Jam para hawakan
Bumaba na din si intsek
Aalma sana si Mamuro pero naglabas ng paltik si JZ
Lumapit na si JZ at pinahubad ang itim na bag sa tumatangging kasama
Walang awang sumakay lahat sa van, nakabukas ang bintana at nakatingin sa kanya.
"Teka!" bumaba si JZ
Akala nila ay nagbago ang isip nito
Lumapit ito at kinuha ang tangke ng hangin "Matigas ka ah!!"
Nag iba na ang timpla ng mukha ni Tano at ng mga kaibigan
"hindi niyo pwedeng kunin yan mamatay siya kapag kinuha niyo yan!" nagmamakaawa
ngunit hindi pinakinggan
at pagkatapos ay lumisan na ang sasakyan.
Muli ay natagpuan ang sarili
sa kawalan
![](https://img.wattpad.com/cover/127089497-288-k94569.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Nights (Nervous)
Misterio / SuspensoGusto mong malaman Kung paano binawi ng gabi ang aking hangin?........ Hindi ko nalarawan na magtatapos ako sa isang dalampasigan kasama ang isang napakalamig na katawan