T R I X I E
"Welcome back ate Ixy" sabi sa akin ng kapatid kong si Shane. Andito na kami sa Pilipinas. Tito gave us time to be with our family so now I'm with them. I'm happy that I'm with them and yet I'm sad.
Erik, my boyfriend broke up with me because he doesn't like the idea of LDR. Isn't it bad that I'm back? Pwede niya naman akong samahan at sabay kaming uuwi dito. I want to be with my family and also to be with him. Why couldn't he understand that?
I will never ever cheat because I love him tapos idadahilan niya sakin iyon? That I can cheat but hell, I will never ever do that. Being in a long distance relationship will challenge us but HINDI PA AKO NAKAKAALIS WALA NA KAMI! I love him but I guess his feelings are not that strong to fight this relationship. He's not worth it but I do love him still.
Gusto kong malaman niya kung gaano ko sya kamahal. Darating din ang araw na makakapag move on ako at ipapa-mukha ko sa kanya kung gaano siya ka walang kwenta.I wanted to use my strength and kill him with his invalid reasons. He is fucking worthless yet I still love him.
I smiled in front of my family. I smile like an idiot to pretend to be happy with them, but I want to break down... I'm feeling like a shit.
"Thank you." Niyakap ko sila isa-isa para iparamdam kung gaano ko ito na miss.
"Ate dito ka ba ulit tutulog?" Tanong ng 5 years old kong kapatid na si Shane. Nag squat ako para mapantayan sya saka tumango. "Oo naman." Bigla niya akong niyakap dahil sa sinagot ko.
"Yehey! Ate I want you to sleep on my room." Pumayag ako sa sinabi niya at binuhat na ito para makakain kami.
Hays.. I think I need to move on. I have my family and friends. I don't need him if he doesn't want me. You wait boy! I can move on you.... maybe not now. Ngayon ko lang napatunayan na tama palang hiniwalayan niya ako kasi siguro hindi ganoon katibay ang pagmamahal nya sakin at nagawa niya akong hiwalayan.
"Ixy, let's go? Let's eat." Nagulat naman ako sa biglang pagtawag sakin ni Mom.
"Ah- sige po sunod ako." Tumango lang si mom at nauna para tawagin ang kapatid kong nakikipaglaro pa.
Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Gosh, what's happening to me. Kailangan ko na itong maagapan, masyadong madrama ang buhay ko.
L A U R E N
I'm already in our house but I can't feel at home at all. How stupid of me to think taht i'll be seeing them, I'm alone with maids as always. I'm an only child, my mom and dad are busy with their companies. I sighed heavily when they greeted me with so much gratitude.
"Ma'am welcome home po, do you want to eat?" Yaya led my bags to my room. I sit on our sofa and close my eyes.
"Wala po yaya sige po magpahinga muna kayo if tapos na kayo sa trabaho nyo." I take a deep breath.
Nakakapagod ng ganito. Excited pa naman akong umuwi dahil excited na akong makita sila. Ilang buwan din kaming hindi nagkita. Pumunta silang Korea, pero hindi man lang nila ako binisita at saka ko lang nalaman noong umalis na sila.
Tumayo na ako at umakyat sa hagdan para makapunta na sa aking kwarto. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilabas ito isa-isa. Pero agad ko din namang itinigil at tininggan ang aming family picture.
Tinitigan ko itong mabuti. Napaiyak naman ako ng marealize kong pati dito ay busy sila. Si mom pilit ang ngiti at tila gusto ng umalis. Si dad nakatingin sa baba na para bang may hinihintay na message mula sa cellphone nya. Samantalang ako, inosente at sobrang saya at galak. Napaka-inosente ko pa dito at hindi alam na iba pala ang ginagawa ng parents ko.
Bakit wala akong maramdaman na pagmamahal mula dito? Why can't I feel their love? Do they really love me?Humiga ako mula sa pagkakaupo at niyakap ang aming larawan saka pinikit ang mata ko.
Bakit ngayon ko lang ito narealize?
N A T A S H A
"Welcome home Asha Ganda!" My mamita greeted me.
Natawa naman ako dahil sa tarpaulin na nandito.
"Hi mamita, I miss you." I hug her tight dahil miss na miss ko na si Lola. Nakita kong may pumatak sa mata niyang luha at agad ko itong pinunasan.
"Husshh--- stop crying mamita, do you want me to cry too?"
"Of course not!" Pinunasan niya ang luha sa pisngi at humarap sa'kin. "Umuwi ka na iba sa inyo?"
Nawala naman bigla ang aking ngiti. Hindi pa ako nakauwi sa amin dahil dito ako unang pumunta at hindi sa impyerno na yun.
Napailing naman si Mamita. "Siguro dahil sa ekspresyon ng mukha ay hindi pa no or should I say they even don't know that you're here in the Philippines."
Hinawakan ni Lola ang kamay ko. "Your dad and mom---"
"My mom died years ago."
"My daughter died years ago, I am still in pain but I hope you'll accept your new mother."
"No way! Mamita that will never ever happen, when I'm with her I feel that I'm in jail. Para akong kinukulong sa kanyang mga kasinungalingan!"
"What do you mean?" Naguguluhan tanong ni Lola.
Napagtanto ko naman na dapat pala hindi ko na lang iyon sinabi. Dahil may usapan kami ni Melisa, my step mother na kapag nalaman ni Dad at Mamita na pinapahirapan nya ako ay papatayin niya ang mga ito. Natatakot ako na baka totohanin niya ito. Even with my skills, I'm afraid of what she can really do. She is a devil and a witch, how I wish my bad never met her.
"Nothing Mamita, sige po uuwi na ako." Sabi ko sabay kuha ng gamit ko. Bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang sinabi ni Mamita.
"Kung ano man yang bumabagabag sayo, just tell your Mamita and I'll help you."
Tumulo naman ang luha ko dahil doon. There is no way I can tell you Mamita because I want you to stay... you and dad are the only people I always want to protect.
Z A N D R A
"Ma! Pa! Kuya! Ate! Bunso!" Sigaw ko pag-katapak na pag-katapak ko sa bahay namin.
"Ate!" Napalingon naman ako sa bunso kong kapatid at agad itong niyakap.
"Namiss kita ng sobra Zenaiah" sabi ko dito.
"I miss you too ate." Binaba ko na sya ng makita ko ang Mama, Papa, ate at kuya ko.
Niyakap ko sila isa-isa at sabay sabay kaming pumunta sa kusina para kumain.
"Grabe Zan, ang dami mong dapat ikwento, kamusta ang Korea?" Masayang tugon ni Ate Zeina.
"Ate may nakita ka bang gwapo? Nakita mo ba si Lee Min Ho? Gong Yoo? Park Bo Gum?" Kinikilig na sabi ni Zen na-ikinatawa naming lahat.
"Wala akong nakilala ng ganun at malay ko ba kung sino sila doon, magkamukha kaya sila." Natatawa kong sabi.
"Pasalubong ko Zan?" Sabi naman ni Kuya Zero kaya agad siyang sinita ni mama.
"Ero, manahimik ka dyan." Napakamot naman si kuya dahil doon.
"Oo mamaya." Sabi ko dito.
Kumain na kami at hindi mawawala doon ang kulitan. This is one of the reasons why I stayed quiet when we were being told about returning to the Philippines. I want to be with my family, there are my happy pills. Thank you Lord, for giving me a happy family. Thank you because I'm blessed. I am really happy.
BINABASA MO ANG
The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)
JugendliteraturA/N: (Cover not Mine credits to the owner) Source: Pinterest ! UNDER REVISION ! THEY train so hard so they can get the justice they want. Losing someone is never easy to let go. They seek for the truth because they were left clueless. Hindi sya nag...