Z A N D R A
"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Kainis naman wala 'to sa plano ko. Bakit ba ako hini-higit ng lalaking to at may buntot ng tatlo ha. Hindi naman kasi talaga ako natatakot sa kanya eh sadyang kinakabahan lang, ewan ko basta ang bilis ng tibok ng puso ko.
Dinala nila ako sa likod ng University. Sasaktan ba nila ako? Wag naman sana, dito ako mabubuking eh. Pag sinaktan nila ako, sasaktan ko rin sila. Self-defense lang kung baga. S'yempre babae ako tapos lalaki sila.
Agad akong binitawan ng lalaki at tinitiga. Napalunok ako dahil doon pero sinuklian ko iyon. Ramdam ko rin ang titig ng tatlong kasama niya. Damn! Parang hinuhuban ako ng kaluluwa dahil dito eh.
"H-hoy! Ba't mo ba ako hinigit ha? Ang kapal ng face mo ah! At kung sa tingin mo mag-so-sorry ako doon sa Avah na 'yun, sorry ka na lang pero hindi ko gagawin yun!" Diretso kong sabi na ikinatuwa lang nila.
"A-anong nakakatawa?! "
"Matapang na nerd ha nice!" Hindi parin sila tumitigil sa pagtawa.
"Kahit na mukha kaming weird or something, kahit na pangit kami sa paningin niyo ay hindi ako papayag na masaktan na naman. Once is enough and twice is too much!" Gigil kong dagdag dahil sa mga mapaglarong ngising naka-ukit sa nagsisi-gwapuhang mukha nila. Itinaas nung lalaki yung kamay niya. Sasampalin niya ba ako? Pinikit ko nalang ang mata ko at naghihintay ng isang lagapak na sampal pero walang dumating.
Dahan dahan kong imulat ang mata at nakita kong nakangisi lang siya sakin at nakataas parin ng kamay.
"Ano ang iniisip mo?"
"Akala ko kasi--"
"Never mind," binaba na niya ang kamay niya saka tumawa.
"Hindi niyo ba ako sasaktan?" Tanong ko sa kanila. Tumawa ulit sila lalo na yung isa sabay hawak pa sa tiyan niya. OA na ata non?
"Bakit ka naman namin sasaktan? "
"Eh kasi yung si Avah natapunan ko. Diba girlfriend mo siya?" Bigla namang naging seryoso ang mukha niya dahil sa huling sinabi ko.
"Not because she's my girl, kaaway ko na kaaway niya. Don't worry I'll talk to her later. I don't want to tolerate her bad attitude." Para namang gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya.
"Ako nga pala si Louis " sabay lahad niya ng kamay sakin. Tiningnan ko yun at alinlangan na tinanggap.
"Lisa," ganon din yung ginawa nung tatlo pa niyang kasama. Si Jay yung mukhang playboy na kung tumawa ay nakahawak pa sa tiyan. Yung may salamin naman ay si Enzo at yung mukhang masungit na tahimik ay si Felix.
"Sige aalis-- LISA!" Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil narinig ko ang sigaw ni Asha sakin.
"Lisa kanina ka pa namin hinahanap." Hinihingal na sabi ni Asha." Sinaktan ka ba ng mga lalaking to?! Ano sabihin mo sa akin." Tinaas niya pa hanggang balikat ang manggas ng damit niya at parang ready ng na sa suntukan. Pinakita niya pa yung muscle niya.
"Ang O.A mo na Jennie." Sabi ni Trixie. "Okay ka lang?"
Tumango ako. "Okay lang, hindi naman nila ako sinaktan eh." Sabay lingon ko sa banda nina Louis.
"Ay, oo nga pala." Humarap ako sa kanila at pinakilala ang tatlo ko pang kasama.
"Eto nga pala sina Jina, Jennie at Rose." Nakipag kamay naman sa kanila ang tatlo at nagpakilala.
"IKAW!" sigaw ni Asha kaya napatingin kami sa kanya.
"Hoy ikaw lalaki ka? Anong karapatan mong murahin ako." Sigaw niya sa mukha ni Felix pero walang ginawa si Felix kundi tingnan lang siya.
BINABASA MO ANG
The Four Nerds are Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionA/N: (Cover not Mine credits to the owner) Source: Pinterest ! UNDER REVISION ! THEY train so hard so they can get the justice they want. Losing someone is never easy to let go. They seek for the truth because they were left clueless. Hindi sya nag...